20/06/2025
This is breaking my heart today. 😭💔 Asin lang ang ulam ng isang Kinder learner! Naranasan ko rin ’to noon dahil sa hirap ng buhay. Ang mahalaga, may laman ang tiyan. Grabe ang pagtatago niya para lang hindi ko makita na asin lang ang ulam niya. Sinabihan pa siya ng kaklase niya ng, ‘Hala, asin lang ang ulam niya.’ (Kasi kanya raw ’yung manok.) Lalo siyang nahiya. Nakayuko na lang siya nung lumapit na sa akin.
Lord, pagpalain Mo ang batang ito. Sana ay maging matagumpay siya balang araw. Buti pa siya, pumapasok kahit asin lang ang ulam. Samantalang ang ibang bata ngayon, ang arte-arte. Ayaw kumain kung gulay lang ang ulam. Iiyak pa nang todo kapag walang masarap na ulam. Wala na siyang nanay. Nakikitira lang siya sa lola niya.
Paalala: Sa mga magulang, kausapin ninyo ang mga anak ninyo na huwag manukso kapag may kaklaseng ganito. Nakakaawa sila. Hindi natin maiiwasan na may mga batang ganito ang kalagayan—hindi lahat ay may kaya sa buhay. 🥹
Courtesy of 📷 SO NO RA