27/05/2026
❤️
Momsh, naranasan mo na din ba yung mahusgahan ka dahil sa damit mo? 😬
Naalala ko lang mga ganung moments dahil doon sa nabasa ko na lolo na simple lang, yun pala ay cash buyer ng sasakyan! Nabasa nyo din ba? Bongga di ba? 😍
May mga ganung moments talaga minsan ano? Naalala ko tuloy ung nasa banko ako noon, ung katabi ko na babae, napakasimple un pala ang laman ng bayong ay panay idedeposit nya 🤭
Pero alam nyo natutuwa ako sa mga ganung tao.
Mga simple lang sila pero magugulat ka nalang pag nakilala mo sila, may ari pala ng ganito at ganyan. Di ba? ❤️
No wonder mga maasenso sila sa life isa ay dahil sa pagiging simple ano?
Dalawa ang lessons dito:
1. Ok lang na simple tayo, live within our means. Hindi kailangan na trendy palagi at aethetic.
Hindi ibig sabihin ng simple hindi na mag-aayos or madungis ha? 😅
2. Huwag manghuhusga sa kapwa base sa panlabas na anyo lang.
Agree ba kayo?! Si Lord sa puso nakatingin hindi tulad nating mga tao (kasama ako) minsan sa panlabas tayo talaga nag-jajudge. 🙂
“....For the Lord sees not as man sees: man looks on the outward appearance, but the Lord looks on the heart.” 1 Samuel 16:7
Disclaimer: Photo for illustration only 🙂
Mabait po staff dito sa napuntahan ko ❤️