12/09/2024
MOTOVLOGGER, SWAK SA REHAS DAHIL SA PAMBUBUGBOG?!
Trending ngayon sa social media ang mug shot ng isang sikat na motovlogger na si Allen Basilio dahil sa kasong Physical Abuse sa ilalim ng R.A. 9262 o Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004.
Sa kumakalat na litrato, makikita ang vlogger na hawak-hawak ang board na ginagamit sa mug shot kung saan nakadetalye ang kaniyang buong pangalan, petsa ng paghuli at kasong isinampa laban sa kaniya.
Gayunpaman, wala pang malinaw o kumpletong impormasyon sa nasabing litrato o kung may katotohanan nga ba ito.
Si Basilio ay sumikat dahil sa contents sa kaniyang page na “Basilio Motorshop,” at remarks na “palit segunyal” sa tuwing may nagpapagawa na mga motorista.