11/03/2026
📢WESTLINE LPG PUBLIC ADVISORY📢
Sa mga kumakalat na balita tungkol sa galaw ng presyo ng langis at LPG sa international market, nais naming magbigay ng update sa aming mga valued customers at partners.
Nais naming ipaalam sa aming mga valued customers at dealers na:
✅ As of this March, WALANG price increase ang WESTLINE LPG. ✅
Sa ngayon, Mananatili po muna ang kasalukuyang presyo ng aming LPG habang patuloy naming mino-monitor ang sitwasyon ng presyo ng LPG.
Patuloy naming ginagawa ang aming makakaya upang mapanatili ang stable at patas na presyo para sa mga pamilyang Pilipino na gumagamit ng Westline LPG sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Kung sakaling magkaroon ng anumang pagbabago sa presyo sa hinaharap, ito ay opisyal naming iaanunsyo sa page na ito upang manatiling malinaw at updated ang lahat.
🚨PAALALA SA MGA GUMAGAMIT NG WESTLINE LPG TANKS🚨
Kung kayo ay gumagamit ng Westline LPG cylinders, pakisigurado sa bawat delivery:
✔ Ang tangke ay may WESTLINE LPG seal
✔ Kung walang seal ang tangke, huwag itong tanggapin
Ang layunin ng Westline LPG ay makatulong sa ating mga kababayan.
Sa panahon na maraming gastusin ang bawat pamilya, nais naming panatilihin muna ang aming presyo hangga’t maaari upang makatulong sa mga pamilyang Pilipino.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa
❤️WESTLINE LPG Refilling Station❤️
📩 Para sa inquiries o concerns, message lamang ang aming official page.