12/08/2026
๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐ฟ๐ผ๐๐๐!!!!
Sa aming mga yangman, kaibigan, supporters, at lahat ng mga taong nag-abang at nakiisa sa aming Legal Motor Sports Event, nais po naming ipabatid na KINANSELA ang nasabing aktibidad dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
Ang aming event ay may mga kinakailangang permit at clearance, at ginawa po namin ang lahat ng nararapat na koordinasyon. Gayunpaman, dahil sa malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan, hindi na ito pinayagan ng ating Local Government Unit (LGU) Office bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga riders, organizers, spectators, at higit sa lahat, ng ating mga kalahok. kahit na extend ang date di pa din po kakayanin dahil sa sunod sunod na bagyo na dumadarating.
Nais din po naming linawin na ang OKSI Yangman Racing Team ay kinuha lamang ng Barangay San Roque bilang katuwang para sa pagsasagawa ng aming motor sports event. Ang pag-organisa at pakikipag-ugnayan para sa aktibidad ay bahagi ng inisyatiba ng barangay, at ang team ay tumulong lamang bilang event partner. para maipakita na ang local government namin ay sumusuporta din sa mga hilig ng mga kabataan at maiwasan ang mga illegal drag race at higit sa lahat maiwasan ang mga kabataan sa pinag babawal na gamot.
Gayun pa man maraming salamat pa din po sa mga dumayo at mga nakilahok kahit hindi po ito na tuloy patunay na sa motor sports event nag kakaisa ang lahat, maraming salamat din po sa mga official na maisakatuparan ang motor sports event dito sa SAN JOSE OCC.MDO sa inyong supporta sa mga ganitong larangan ay napaka laking tulong na din po.
Alam po namin na marami sa inyo ang naglaan ng oras, pagod at gastos, at may mga taong naglakbay pa mula sa ibang lugar para lamang makiisa sa event. Masakit po para sa amin na sa kabila ng lahat ng paghahanda at magandang intensyon, kailangan itong ihinto dahil sa panahon at kaligtasan. Pero mas mahalaga po sa amin ang buhay at kaligtasan ng bawat isa kaysa sa anumang event.
๐ง๐ฎ๐ผ๐-๐ฝ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ผ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐๐บ๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ต๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ถ๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐น๐ฎ๐๐๐ผ๐ป. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ, ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ.
-แดแด๊ฑษช สแดษดษขแดแดษด