17/08/2026
๐ข WEATHER & CLASS ANNOUNCEMENT
โTuloy ang driving lessons ni WM1, pero safety first pa rin tayo! ๐ง๏ธ๐
โTo our scheduled students, if safe at kaya bumiyahe sa inyong lugar, our instructors are ready for you. Pero kung baha o delikado ang panahon sa area niyo, priority po natin ang inyong seguridad. Stay safe at mag-iingat ang lahat!
ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS SA MGA GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES SA MGA PAARALAN SA BULACAN, NCR AT ILANG PROBINSYA, IPAPATUPAD BUKAS, AUGUST 18.
Sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, ipinag-utos ng Malacanang ang pagsasagawa ng Work-from-Home (WFH) sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning mode sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, Agosto 18, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng habagat.
Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad ang WFH at suspension ng face-to-face classes sa lalawigan ng Bulacan at iba pang karatig lugar.
Samantala, hindi sakop ng WFH set-up ang mga ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, preparasyon at pagtugon sa sakuna at kalamidad.
Ipinauubaya naman ng Malacaรฑang sa mga Local Chief Executives ang kapangyarihang magpasiya kung kinakailangang suspendihin din ang pasok sa mga lugar na kanilang nasasakupan na hindi napabilang sa memorandum circular habang nasa diskresyon naman ng pamunuan ng pribadong sektor ang pagdeklara ng suspensyon sa trabaho.