13/07/2026
Hi! Ako si Miko, owner ng AutoMik Car Rental at isa rin akong freelance developer na gumagawa ng mga software solutions gamit ang Artificial Intelligence (AI).
Naniniwala ako na ang teknolohiya ay mahalagang bahagi ng ating kasalukuyan. Sa isang mundong mabilis ang pagbabago, ang mga negosyong handang yakapin ang teknolohiya ang siyang mas mabilis na nakakapag-innovate, mas episyente, at mas mabilis maka adopt sa pagbabago ng mundo.
Dahil sa paniniwala ko sa teknolohiya, idinisenyo at binuo ko para sa aking negosyo ang sarili kong AI-powered Car Rental Management System—isang komprehensibong solusyon na partikular na ginawa para sa mga car rental owners. Pinapasimple nito ang pang-araw-araw na operasyon, gumagamit ng Artificial Intelligence o AI upang i-verify ang authenticity at validity ng renters' driver's licenses ID, nag-a-automate din ito ng contract agreement para sa mabilis at organisadong transaction, pinapadali ang booking at fleet management, at dini-digitize ang mahahalagang proseso upang maging mas simple, mabilis, episyente at mas ligtas ang operasyon ng negosyo. 🚗💻
Ang pangunahing layunin ng sistemang ito ay maprotektahan ang mga car rental owners laban sa panganib tulad ng "Rentangay" modus at pakikipagtransaksyon sa mga gumagamit ng fake identities. Sa pamamagitan ng mahigpit na AI-powered driver's license analysis, maayos na record management mas madaling matukoy at maiwasan ang mga kahina-hinalang tao. Naniniwala ako sa tulong ng makabagong teknolohiya at sa tamang paggamit nito, tataas ang seguridad, mababawasan ang panganib ng panloloko, at ma po-protektahan ang mga sasakyan, puhunan at kabuhayan sa ating industriya.
Interested in bringing this system to your business? send me a message lets schedule a consultation and product demo. I am based in San Fernando, Pampanga. masaya ako discuss how the system can help modernize car rental business.