05/09/2026
Hindi ka Alpha or Beta
“Be an ALPHA!”
“BETA ka kasi!”
ANO BA YANG “ALPHA” at “BETA” NA YAN?
Nagsimula ito noong 1940s,
si Rudolf Schenkel,
isang researcher,
ay nag-aral ng mga wolves sa captivity.
Napansin niyang may social hierarchy sa loob ng grupo,
at may mga wolves na mas dominant kaysa sa iba.
Doon nabuo ang tinatawag na "alpha" at "beta" wolves.
"Alpha" para sa mga nasa dominant position,
at "beta" naman sa mga mas mababa.
Kinalaunan,
si David Mech naman
ang nagpasikat pa lalo nitong idea
noong 1970, sa librong "The Wolf."
Hanggang sa na-adapt din ito sa PAG-UUGALI NG TAO.
Kaya sa internet ngayon,
kapag sinabing “ALPHA MALE,”
kadalasan ang ibig sabihin ay lalaking
confident, assertive, dominant, decisive,
at parang natural na leader.
Samantalang ang “BETA MALE” naman
ay ginagamit para ilarawan ang lalaking
passive, insecure, madaling maimpluwensiyahan,
people-pleaser...
At sometimes ginagamit ito pang insulto.
ANG PROBLEMA…
May mga netizens,
lalo na ang mga nagbibinata pa lang,
ay naniniwala na parang dalawang category lang ang mga lalaki.
Either ALPHA o BETA lang ang pagpipilian.
At doon nagiging problematic.
Kapag nahihiya ka, iisipin mong “beta” ka.
Kapag ayaw mong makipag-away, “beta” ka.
Kapag naging vulnerable ka, “beta” ka.
Kapag nag-compromise ka para sa relationship, “beta” ka.
At dahil parang "insulto" nga ito sa pagkalalaki,
may mga nagpupumilit "magpaka-alpha".
"Alpha ako... so dapat di ako makikinig sa babae."
"Alpha ako... dapat ako yung bully, hindi ako yung binu-bully."
"Alpha ako... kailangan makagawa ako ng pera..sa KAHIT ANONG PARAAN!"
Pero tandaan:
ANG TAO AY HINDI LANG DALAWANG KAHON.
Puwede kang TAHIMIK pero CONFIDENT.
Puwede kang ASSERTIVE pero HINDI DOMINANT.
Puwede kang maging LEADER sa isang situation,
at FOLLOWER naman sa iba.
Kaya misleading ang paggamit ng “alpha” at “beta”
bilang fixed categories ng personality.
Dahil ang confidence, assertiveness,
leadership, social skills, personality,
at emotional stability ay magkakaibang traits.
AT ITO ANG TWIST!
Si David Mech mismo,
yung nagpasikat ng "alpha wolf" concept noon,
ay kalaunan nag-sabing misleading pala
ang paggamit ng term na 'alpha' sa wild wolves.
Kasi sa wild, ang wolf pack ay isang FAMILY,
mga magulang at kanilang mga anak.
Hindi sila nag-aaway para malaman kung sino ang "alpha",
Kasi natural lang na nangunguna ang mga magulang.
Samantalang sa captivity,
puwedeng magsama-sama ang mga wolves na hindi magkakamag-anak,
kaya mas madaling magkaroon ng conflict at dominance interactions.
Kaya kung yung sumikat na “ALPHA-BETA” model
ay hindi pala applicable sa normal na buhay ng WOLVES…
Paano pa kaya kung ilalapat natin 'yon sa mga TAO?
Di hamak na mas komplikadong nilalang tayo
pagdating sa behavior, personality, relationships, at social interactions.
Kaya tantanan n'yo na yang kaka-Alpha-Beta na 'yan. 🤣
Hindi ka WOLF,
hindi ka LEON o TIGRE...
Ang pag-aralan mo
ay kung paano MAGING TAO!
Adios!