10/08/2026
ABISO: Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme ngayong araw, Agosto 10, Lunes, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.
Paalala ng MMDA: planuhin ang biyahe, mag-ingat sa pagmamaneho, at manatiling nakatutok sa mahahalagang impormasyon kaugnay sa lagay ng panahon.
Alamin ang flood monitoring updates at lagay ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa MMDA page o i-dial ang 136 Hotline.