05/02/2026
Maraming KAMOTE sa mga Bigbikers!
Maraming bigbikers ang hindi marunong sumunod sa Batas. Sobra-sobra ang auxiliary lights at nakabukas kahit na araw o gabi na “maliwanag ang kalsada.”
Marami sa mga bigbikers ang maingay ang muffler at nagsasabi na allowed silang gumamit ng ganito dahil mataas ang displacement cc ng kanilang motorsiklo. Walang Batas na basehan ang kanilang sinasabi.
Mayroon din sa mga bigbikers ang may wang-wang (unauthorized siren), at mga lumalabag sa Traffic Laws, Rules and Regulations kabilang ang pag-balewala sa mga traffic light. Nakikita ito ng publiko.
Sila ang sumisira at hindi ma-control ng mga Organizers ng BOSS Ironman motorcycle challenge.
May kapabayaan din ang mga Pulis at mga Enforcers dahil small bikers lamang ang kanilang hinuhuli at inaabala sa kalsada.
Ang disiplinado at magaling na bigbiker ay marunong mag-adjust sa traffic situation at marunong sumunod sa Batas!
Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Road Safety Advocates of the Philippines