10/09/2025
Last year, 2024, noong nag Philippine loop tayo gamit ang EVs natin, marami tayong nakilala na mga tao na humanga sa gawa nating Pinoy. Kasi 'di nila in-e-expect na kaya ng electric na bumyahe nang malayo!
Nakasanayan ng marami na kapag sinabing "eBike," pangsubdivision lang...
Tayo na mismo ang lumapit para makita at masakyan ng mga tao ang Lycan kahit wala sa Metro Manila. Marami rin tayo naging reservations and pre-orders during the trip, at doon namin na-realize na pwede maging career ang pag-r-ride...
Kaya since then, talagang pinag-isipan namin kung paano mabigyan ng opportunity na maging full-time (or part-time) job ang pagmomotor (bukod sa mototaxi at courier)...
Kasi kapag naging hanap-buhay ang pagmomotor, lalo na't explorer ka na talagang pupuntahan mo lahat ng magagandang lugar sa Pilipinas, yun na ang perfect definition ng "If you do what you love, you will never have to work a day in your life."
Kumbaga, tourism promotions narin siya kasi na-p-promote ang magagandang lugar sa bansa natin...
Gusto natin tignan kung pwede ba talaga maging isang bagong industriya ang ganitong opportunity. Kaya we're inviting riders na maging pioneer "Full-Time Bikers" with and using a Lycan.
In concept, ganito yan:
1. Buy/finance a Lycan
2. Use it to travel the Philippines and meet new people
3. Share your story and promote Lycan to more Filipinos
4. Kapag bumili sila, you earn a commission (no limits)
5. Repeat and grow
Lycan EV + your smartphone + QR code lang ang kailangan, pwede na siya maging negosyo ng mga riders.
Thanks to our banking and financing partners, na-open narin natin na maging mas madali magsimula dahil no down payments needed to own a Lycan...
Isang successful referral lang kaya ng bayaran yung monthly installment. That way, hindi ka na naglalabas ng sarili mo to pay for your Lycan. More than one referral = pure savings na sa mga Lycan riders.
Kaya bukod na Filipino-made ang Lycan, we're also finding ways to make sure you win in life, kasi the more lives we are able to enrich, we believe that life would be better. And that's how we want to make an impact on society...
Di pa naman perfect ang Lycan at marami pa tayong kakaining kanin, pero at least you know we always have you in our mind when we make innovations at gusto namin na kasama ka sa journey at pag-unlad ng Lycan.
And hopefully, dahil nagsisimula narin tayo mag-onboard ng dealership partners in many places around the Philippines (if interested ka maging dealer, please let us know!), mas marami pa tayong maging impacts sa buhay ng tao at sa environment natin.