07/08/2026
🫶
⚠️ Semi-long post ahead, please read if you have time. 🙏
POV: Looking for a seat in a fully packed restaurant, holding my food, when a complete stranger changes my entire day.
Kaninang gabi, ikot ako nang ikot sa restaurant para maghanap ng mauupuan dahil punong-puno ang lugar. Mapapansin mo talaga ’yung tinginan ng mga tao na para bang sinasabi, "Walang bakante rito."
Then, a gentleman in his 50s who was eating alone noticed me looking around. Bigla niya akong tinawag at sinabi:
"BOSS! Dahil naka-Honda jacket ka at ang ganda ng jacket mo, DITO KA NA SAKIN UMUPO! 2-wheels or 4-wheels?"
Sabi ko, "4-wheels po, sir."
Ngumiti siya at sinabing, "Naka-BR-V ako ngayon eh."
Gulat at tuwa ko. Sabi ko, "Talaga sir? Saan niyo po nabili BR-V niyo?"
"Sa Makati, pero sa Shaw ako nagpapa-service," sagot niya.
Agad kong inabot ang calling card ko at sinabi, "Sir, sa Greenhills po ako. Sa amin ka na magpa-service! Sabihin mo lang kay Boss V, ako na ang bahala magbigay ng discount at mag-alaga sa inyo."
Habang kumakain kami, nagkuwentuhan kami tungkol sa mga sasakyan. Sinabi niya, "Ang dami na ng bagong brand at klase ng kotse ngayon, no?"
Sabi ko, "Oo nga, sir, napakarami na talaga."
Pero ang sinabi niya kasunod ang talagang tumatak sa puso ko:
"Pero iba pa rin ang Honda. Subok ko na nang matagal, at hindi mo mabibili ang peace of mind ko."
Napangiti ako at napa-agree nang sobra. “Agree, sir. Iba talaga.”
—
Moments like this are the exact reason why I stay so passionate about what I do. Iba ang pakiramdam kapag buo ang tiwala at paniniwala mo sa brand na ipinaglalaban at ibinebenta mo. Proud na proud kong isinusuot ang Honda badge na ’to sa publiko araw-araw.
To my team and to everyone working with legacy brands in the industry: Wag kayong mag-alala. Better days are coming.
Nandiyan pa rin ang mga loyal customers na buo ang tiwala sa atin. Pangalagaan lang natin sila, ibigay ang ating 100% best customer service, at mahalin natin ang trabaho natin. Everything else will naturally follow.
Medyo naging emosyonal lang ako ngayong gabi. Minsan kasi, kapag napapaisip ka o napapagod, laging nagbibigay si Lord ng malinaw na signs to remind me why I am here and why I should stay with this brand.
Maraming salamat, Lord. Pagbubutihin ko pa lalo. 🙏❤️