27/05/2025
BALIK ANG NCAP! SIGURADUHIN NA MALINIS ANG PAGMAMANEHO!
Simula Mayo 26, 2025, ipinatutupad muli ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang lungsod!
Ano ang ibig sabihin nito?
πΈ Huli sa camera, hindi sa enforcer!
Mga paglabag tulad ng beating the red light, illegal parking, overspeeding, at swerving ay kukunan gamit ang CCTV.
π Check mo agad!
I-search ang plate number mo sa website ng iyong LGU para malaman kung may violation ka.
π³ Bayad agad, iwas abala!
Pwedeng bayaran online o sa mga authorized payment centers.
Tandaan: Disiplina sa kalsada, sagot sa ligtas na biyahe.