19/02/2026
Mga idol, pasado na po sa THIRD AND FINAL READING sa Senado ang Senate Bill No. 155 o ang Direkta at Agad na Lingap at Interbensyon (DALI) Bill na ating inakda upang mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan.
Hindi na kailangan ng sangkatutak na papeles. Maipo-proseso ang request sa loob ng isang araw basta may:
Valid ID
Billing Statement
Medical certificate/abstract
Patuloy po nating isusulong ito hanggang sa maging batas na.