24/10/2025
Tatlong sasakyan na naman ang natapos natin ngayong araw! 🙌
Maraming-maraming salamat po sa mga suki na paulit-ulit na nagtitiwala sa kalidad ng gawa namin. Hindi biro ang pag-aabot niyo ng susi sa amin — kaya sinisiguro namin na bawat unit na pumapasok, maayos ang diagnosis, malinis ang trabaho, at pulido ang resulta bago ilabas.
Kung may kalampag, ugong, vibration, tagas, sabit sa manibela, o kahit anong underchassis concern,
nandito kami para alagaan ang sasakyan niyo na parang amin.
📍 GB Underchassis Specialist
✅ Quality work
✅ Trusted ng mga suki
✅ Home service available
Baka ikaw na ang susunod na satisfied customer namin.
Message lang — willing kami mag-assist. 🚗🔧