17/04/2023
LIFE IS NOT A RACE.
40 years old may gan’to, 44 years old may ganyan, and life is not about comparing who you are 10 years from now, or kahit ilang dekada pa yan.
Meron mga bata pa lang naging milyonaryo na, may estudyanteng naging Nanay na, First Honor pero walang mahanap trabaho, may mayaman pero walang mabiling gamot para sa sakit, matagal na relasyon pero naghiwalay sa ‘di alam na dahilan, mga taong walang madaming pera pero masayang pamilya. Meron din puro yabang pero di pa din naman makaalis sa palda ng mami nya.
Hindi mo kailangan makipag-unahan, ‘wag ka ma-pressure. Walang trabaho ngayon, walang girlfriend, or walang anak, walang ipon, baka lang talaga hindi pa ngayon, baka sa mga susunod na araw pa, sa susunod na lingo, o sa susunod na taon.
1. ‘Wag mong maliitin ang kakayahan mo sa pagkumpara ng sarili mo sa iba, may kanya kanya tayong halaga.
2. ‘Wag mong idepende sa sinasabi ng ibang tao yung gusto mo mangyare sa buhay mo, alam mo kung ano ang makakabuti para sa sarili mo.
3. ‘Wag mong kalimutan ang mga pangarap mo. Masarap mabuhay, masarap mangarap, kaya tayo nabubuhay para dito, kung nakuha mo na, alagaan mo.
Life is not a race, life is about how you appreciate everything you have.
Life is not a race, life is about how you enjoy every steps of it.
Appreciate, enjoy, make the most of it.
Makuntento sa mga bagay na ipinagkaloob 🫰
Cheers 🍻