18/01/2023
Tatlong importanteng bagay na titignan mo sa binibili mong langis:
VISCOSITY: 10W40 -mas maganda yan ay makita mo sa manual ng iyong motor o itanong mo sa magaling mong mekaniko..
JASO: MB(scooters) MA2(wet clutch/manual, pwede din sa scooters na below 200 cc)
API rating (SG, SH, SJ, SL, SM, SN) SN ang pinakalatest sa motor kaya from SL to SN, goods pa yan para sa mga bagong labas na mga motor.. Bago yun motor mo tapos API rating ng langis mo ay luma, ibig sabihin hindi na compatible.. Mas maganda meron yun donut seal para sigurado kang certified na tama yun nakalagay na rating.