23/12/2025
Minsan akala natin madali lang ang lahat... hanggang maalala natin kung kaninong likod ang araw-araw na binubugbog para lang maayos ang buhay natin.
Bago ka mag-demand, magtampo, o mainis, subukan mong isipin kung anong klaseng pagod ang inuuwi ng taong naghahanap-buhay para sa pamilya.
Isang katawan lang yan, pero pasan ang renta, kuryente, pagkain, pangarap, at takot na baka hindi pa rin sapat ang lahat ng kanyang effort.
Kaya kung hindi pa kayang bilhin ang luho, kung kailangan munang maghintay, hindi dahil ayaw... kundi dahil inuuna ang mas mahalaga: ang kapakanan ng lahat.
May mga araw na uuwi siyang tahimik, hindi dahil galit, kundi dahil ubos na.
Naalala mo yung panahong gusto mo sanang magreklamo... kulang, mabagal, hindi agad naibigay.
Pero nang makita mong nanginginig ang kamay niya sa pagod habang pilit pang ngumiti para sa inyo, doon mo maiintindihan: ang sakit pala ng makadagdag sa bigat na pinapasan ng taong halos buong buhay nyang pinapasan ang problema ng pamilya.
Doon natin natutunan na ang respeto, pasensya, at simpleng “salamat” ay minsan mas kailangan kaysa kahit anong bagay na nabibili.
Kung tutuusin, maraming pamilya ang nababasag hindi dahil kulang sa pera, kundi kulang sa pag-unawa.
Yung mga breadwinner, padre de pamilya, sila pa ang madalas makalimutang kumustahin... kasi akala natin lagi silang okay, laging handa, laging available para sa atin.
Pero tandaan mo, hindi rin nila obligasyon ang lahat; obligasyon din natin ang tumayo sa sarili nating paa.
Kaya imbes na insulto, ibigay ang galang. Imbes na pressure, bigyan ng pahinga.
Dahil kapag sila ang bumigay, maraming buhay ang sabay-sabay na maaapektuhan... at ang pagmamahal na hindi mo naiparamdam sa kanya, baka maging useless na kapag sira na ang katawan na minsan ikaw at buong pamilya ang nakinabang.