17/10/2026
D.I.Y. TIPS.. Ano ba ang Level 2 Full PMS ng Master Garage?
Sagot po:
1. Dito po sa Master Garage QC, ang Full PMS ay hindi lang simpleng pagpapalit ng langis... kasama na po dito ang buong Basic PMS natin... oil, oil filter, air filter, cabin filter, fuel filter, brake cleaning at adjustment, ECU scanning...
2. Dagdag po dito ang Cooling System Restoration... kasi kapag pabaya na sa cooling system... unti-unti pong bumababa ang efficiency ng radiator at waterpump... tumataas ang temperature... hanggang sa umabot sa overheat...
3. Kasama rin po ang paglilinis ng intake system... pero depende po sa engine type... kung DIESEL ang sasakyan, EGR at Intake Manifold Cleaning po ang tawag dito... kung GASOLINA naman, Intake Manifold at Throttle Body Cleaning po... walang EGR ang gasolina kaya hindi po kailangan yun dito...
4. Bakit kailangan ito... kasi kapag barado na ang intake, hirap na ang makina humatak... obligado tayong pumiga ng pumiga sa gas pedal... hindi na balance ang air to fuel mixture... ang siste, malakas sa gas na pala kahit hindi naman kasalanan ng makina mismo...
Ang matipid na paraan po dito... gawin itong every 50,000 km o 5 years, kung alin ang mauna... mas maaga pa lang po natin naaagapan ang unti-unting pagbaba ng performance, bago pa ito umabot sa malaking gastos.
Ask our Service Advisor what level your vehicle needs today.
Sana po makatulong...