24/12/2025
Hey hey hey! Nandito pa rin kami, nakatayo pa rin. Nadadapa pero bumabangon. Nairaos nanaman ang isang taon na puno ng bayarin. (Ispeysiyal shawrawt LOA!)🤦
Maraming maraming salamat sa aming mga kasama sa trabaho, kaunti man tayo pero nandiyan pa rin kayo para sumuporta.🙏
Sa mga umalis, salamat sa inyong serbisyo. Sa mga lumipat, good luck at we consider you as our reset button, daming kapalit. Ika nga, hindi kawalan.👌
Maraming salamat din sa aming mga kliyente na walang sawang sumusuporta, mga kaibigan namin na tumulong sa oras ng aming pangangailangan. Alam niyo kung sinu-sino kayo at nakaukit na kayo sa aming mga puso.🙏
Mga suppliers na naka suporta pa rin at abot langit ang pasensiya, maraming salamat sa inyo.🙏
At siyempre maraming salamat sa ating panginoon na dinidinig palagi ang aming mga panalangin, gabay at biyayang natatanggap sa hindi namin inaasahang pagkakataon, salamat po. God is good talaga!🙏
Anyways, oo eto pa rin kami nakatayo pa rin at ano man ang pagsubok na darating, pilit namin ibabangon at itataguyod dahil kami si CALOY!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat!
Peace Out!!!
🇵🇭