09/11/2024
Dito sa ibang bansa lalo na kapag sa bahay ka nagtratrabaho, minsan swerte sa amo pero di pinalad sa kasama. Meron diyan kasamang pakialamera, babantayan nya lahat ng kilos mo, meron din bida bida ayaw malamangan, meron din pavictim feeling naabuso,meron din kapag pagod pinagbubuntunan mga kasama ayaw na nakikitang masaya ang mga kasama, dapat kapag masaya siya doon ka lang pwd maging masaya daming bawal daig pa ang Amo kung umasta. Ang hirap kapag may ganyan kang kasama kaya diko masisi kung ang iba ay mas pinipili nalang lumipat at magiba ng Amo kasi ayaw nila ng Stress at away dahil ang pinunta duto ay para magtrabaho hindi maghanap ng gulo. Yan madalas ang kwento at karanasan naming mga OFW lalo na sa mga kasambahay na tulad ko. Nakakalungkot pero ito ang totoo.๐ข