02/06/2026
Habang abala ang Senado sa drama, privilege speeches, at walang katapusang political circus…
May mga Pilipinong tulad nila na kahit umiinit at umuulan, bumibiyahe pa rin para maghanapbuhay.
Nagbabayad ng buwis.
Sumusunod sa batas.
Umaasang gaganda ang buhay.
Samantala, may mga pulitikong yumayaman nang lampas sa kaya ipaliwanag ng kanilang sahod, gumagastos ng bilyon sa kampanya, at kapag may isyu ng korapsyon, ang inuuna ay protektahan ang isa’t isa kaysa hanapin ang katotohanan.
Kaya bago ka maging abogado ng paborito mong politiko, mag-isip muna.
Sino ba talaga ang pinaglilingkuran nila?
Ang mamamayan ba?
O ang kanilang kapangyarihan, interes, at susunod na eleksyon?
Ang tunay na laban ay hindi p**a, dilaw, berde, o asul.
Ang tunay na laban ay pagitan ng mga Pilipinong nagbabayad ng buwis at mga taong ginagamit ang kapangyarihan para manatili sa kapangyarihan.
Panahon nang managot ang may kapangyarihan.
Panahon nang unahin ang taong-bayan.