naga southern auto supply,inc

naga southern auto supply,inc Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from naga southern auto supply,inc, Naga City.

30/03/2021

9 PRINCIPLES TO EMBRACE SA PAGPAPA-CHANGE OIL

Nahuli ako sa balita. Row 4 kasi ako sa mga ganitong chika e. Haha May na pala 😅 Nalaman ko nalang ito nung maraming nag-ccomment about

Kaya para hindi tayo mapahamak sa pagpapa-change-oil, let’s embrace these 9 important principles:

1. HUWAG MAGTATAGO NG KAIBIGAN

Unang-una ulam lang ang tinatago 😅 Pangalawa, bakit mo naman itatago kung magkaibigan lang naman pala kayo? Kasi baka mapag-isipan kayo ng hindi maganda? That’s exactly the point! Kung ayaw mong mapag-isipan ng masama, then don’t do it.

Kung ayaw mong matanong, wag gagawa ng bagay na katanong-tanong. Simple.

2. WAG MAGSISINUNGALING, LALO KUNG BUKING NA

Pag ganyang nahuli na, aba e sa prisinto ka na magpaliwanag 😅 Seriously, nahuli man o hindi, hindi tama ang magsinungaling. Musmos palang tayo tinuturo na satin yan. Kasalanan yan. Walang magandang madudulot yan sa buhay natin. Mahirap mag-maintain ng kasinungalingan kasi kailangan mong mag-imbento ng paulit-ulit para hindi ka mabuko. Ang hirap nun! Ang bigat nun. Hanggang sa di mo namamalayan lunod ka na sa sariling kumunoy na ginawa mo.

Mag-apologize ka nalang, mag-repent at bumawi. Wag ng dumepensa. Tandaan, walang lihim ang hindi nabubunyag. Our sin will soon find us out.

3.

Yang mga Kuya-kuya, Bes, Panget at kung ano-ano pang katawagan, endearment yan! Wala ba syang pangalan? 😅 Tawagin mo sa pangalan nya. Ang endearment e para lang sa asawa mo o karelasyon mo. Dami ko na ding kilala na nadale sa kuya-kuya tapos maya-maya sila na 😁

No endearment.
No special favor.

4. NO EXCLUSIVITY

No exclusive chat.
No exclusive coffee date.
No exclusive inuman.
No exclusive meeting.
No exclusive pa-change oil. 😅

Kung meron kang dapat sinosolo na opposite s*x walang iba kundi asawa o karelasyon mo. Except sa kapamilya syempre. Pero kung tropa mo, tapos kayo lang? Ay naku. Hindi wise move yan. Kahit pa sabihin mo na wala namang malisya. Hihintayin mo pa bang madevelop at magka-malisya bago mo ihinto?

5. DIBALE NG MUKHANG DRIVER

Ang driver’s seat ay para lang sa asawa mo/jowa mo. Wag mag-angkas at magsabay ng kahit sino lalo ng kung opposite s*x. Kung di talaga maiwasan at talagang life and death na, aba dun sya maupo sa likod. Dibale ng mukha kang driver. Safe ka naman sa nagbabadyang wasak na relasyon.

Set a boundary. Hindi yan para tanggalan ka ng freedom. You’ll surely benefit from that. Wag mag-entertain at magpapasok ng intruder. Para yang anay, unti-unti kang sisirain.

6. NO TO REBOUND

Kung malungkot ka at broken hearted, hindi solusyon ang maghanap ng iba. Kung akala mong good idea ang magpalit agad ng jowa o kaya maghanap ng bagong asawa, nagkakamali ka. Walang assurance na ang susunod mong relationship ay walang conflict at laging masaya dahil walang ganun. There’s no such thing as perfect relationship. It takes a lot of work and a lot of love for a relationship to thrive and last. Kung mag-rerelationship hopping ka, ikaw din ang lugi.

7. THINK OF THE GOLDEN RULE

Kung ayaw mong gawin sayo, wag mong gawin sa iba.
Kung anong tinanim mo, yun ang aanihin mo.

Nagtanim ka ng ampalaya, mag-eexpect ka ba na strawberry ang tutubo? 😅

Nagtanim ka ng masama, aani ka ng masama syempre. Sure yan. Lahat ng choices natin may consequences, good man yan o bad.

Simple lang ang logic. Kung ayaw mong umani ng ampalaya, wag ka magtanim ng ampalaya.

8. BE FAITHFUL SA WALL AT SA MESSENGER

May mga tao na wagas ang expression ng pagmamahal sa kanilang mga asawa/jowa sa wall pero pagdating sa messenger may mga natatagong angking landi 😅 Be faithful in public especially in private. Integrity is doing the right thing even if no one is watching. Maging tapat sa isip, sa salita at lalo sa gawa.

9. WAG NA MAG-KOTSE KUNG DI KAYANG MAGPA-CHANGE OIL MAGISA

Syempre joke lang yan! 🤣 Kasi pag ako yan, magpapasama din ako, pero hindi sa asawa ko kasi di rin siya marunong 😅 Malamang papasama kami sa Tatay ko 😁

Kung kailangan mo ng kasama, siguraduhin mong hindi ka tetrending este hindi mo ikakapahamak. Gaya ng lagi kong sinasabi, its very important to be surrounded with the right people. So yes! Maging makilatis. Hindi lahat ng nakapaligid sayo ay “right”.

O sya! Wag muna magpapa-change-oil. Bawal lumabas. Bawal din mangaliwa may ECQ man o wala. ☺️



•••••••••••••••••••••

cartoon

11/12/2019

KS LED tips. Here is the difference between lumens and watts.

08/07/2019

Keonized!!!

Thank you sir!!!

Toyota Land Cruiser Prado
Keon Sondra LED Fog light
13200lumens 40watts
9V-24V

Mapapagoodmorning ka sa gabi!

Please Like our New Fb page account. Thank You!😊
20/09/2018

Please Like our New Fb page account. Thank You!😊

Address

Naga City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when naga southern auto supply,inc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share