17/02/2025
Ang totoo, nakadepende ang pakikitungo ng tao sa estado.
Ang respetong ibibigay ay nakasalalay sa kung ano ang halaga nito.
Madalas mapanghusga ang lipunan—
Dahil nakabase lang ito sa panlabas na kaanyuan.
Masakit mang tanggapin,
Pero, tinuruan ka ng reyalidad sa ganitong konsepto.
Hindi sa'yo iikot ang mundo—
Lahat ay pansamantala at puwedeng magbago.
Ang katotohanan sa mundo.
Madalas aalamin muna nila ang iyong pagkatao at estado.
Para alam nila kung paano ka itrato—
Pansin mo rin siguro.
Mahalaga ka lang sa karamihan—
Kapag puwede kang pakinabangan.
YT: https://www.youtube.com/
IG: https://instagram.com/_tintalata_?igshid=ZGUzMzM3NW6JiOQ==