MG Alabang by Keanu Maniego

MG Alabang by Keanu Maniego Driven to be Extraordinary.

MG Motors Alabang  invites you to come & visit at SM SouthMall today .
22/06/2026

MG Motors Alabang invites you to come & visit at SM SouthMall today .


















MG Motors Alabang  invites you to come & visit at MG Alabang Showroom infront of S&R Alabang  today .                   ...
21/06/2026

MG Motors Alabang invites you to come & visit at MG Alabang Showroom infront of S&R Alabang today .


















13/06/2026

Tips Para Makatulog Agad
Payo ni Doc Willie Ong

Para makatulog agad, i-relax ang isip at katawan gamit ang tamang teknik, ayusin ang paligid, at baguhin ang mga nakasanayan bago humiga.
Narito ang mga mabilis at epektibong paraan na maaari mong subukan.
Mga Teknik sa Pag-relax (Gawin habang nakahiga):

1. I-relax ang buong katawan sa paghiga: i-relax ang isipan, mukha at binti (ipatong sa unan), ibaba ang mga balikat.
2. Breathing Technique 4-7-8: Huminga sa ilong nang 4 na segundo, pigilin ang hininga nang 7 segundo, at ibuga ang hangin sa bibig nang 8 segundo.
3. Cognitive Shuffling (pag-iiba-iba ng iniisip): Halimbawa ay mag-isip ng isang random na salita at isa-isahing hulaan ang iba pang salita na nagsisimula sa bawat letra nito upang malingat ang utak sa mga inaalala. Pwede din magbilang.
4. Ayusin ang Kwarto at Paligid: Patayin ang Ilaw: Gawing madilim, tahimik, at malamig ang kwarto upang ma-stimulate ang produksyon ng melatonin o sleep hormone. Isara ang bintana para iwas sa ingay ng dumadaang sasakyan o ingay ng a*o at manok.
5. Ilayo ang Gadgets: Huwag gumamit ng cellphone o tablet 30 hanggang 60 minuto bago matulog dahil ang blue light nito ay nagpapagising sa utak. Huwag manood ng teleserye o sine pag matutulog na dahil pipilitin mo tapusin hanggang sa huli.
6. 20-Minute Rule: Kung hindi pa rin makatulog paglipas ng 20 minuto, bumangon muna, lumipat ng pwesto, at gumawa ng nakaka-relax na bagay tulad ng pagbabasa ng libro.
7. Iwasan ang Kape, Softdrinks, Energy Drinks at Mabigat na Pagkain: Huwag iinom ng kape, softdrinks at energy drinks sa hapon dahil sa caffeine content ng mga ito, iwasan ang labis na pagkain sa gabi para hindi aktibo ang tiyan at iwas sa mamantika, maanghang para hindi ma-trigger ang acid reflux.
8. Mag-Journal bago Humiga: Isulat sa papel ang mga magagandang bagay at mga nagbibigay-stress o iniisip upang mailabas ang "late night thoughts" para mai-payapa ang utak.
9. Sundin ang Sleep Schedule: Matulog at gumising sa parehong oras araw-araw para masanay ang iyong internal biological clock.
10. Ihanda na ang mga gamit, baon at isusuot sa hapon pa lang (para sa kinabukasan) para sa isipan mo ay handa ka na sa trabaho kinabukasan.
11. Isulat ang mga Problema (Brain Dump): Bago matulog, ilista sa isang kwaderno ang iyong mga iniisip, "to-do list", solusyon sa problema, assignments o plano para sa kinabukasan. Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ito upang mailabas mo ang stress sa iyong isip.
12. Magdasal: Ang pagdarasal bago matulog ay nakatutulong para makapagpahinga ang isip at katawan. Ang ritwal na ito ay nagsisilbing hudyat sa iyong utak na oras na para matulog, na nagpapababa ng heart rate at nagpapabawas ng mga iniisip.
13. Ang pag shower ng maligamgam na tubig ay nagpapa-antok dahil sa tinatawag na "warm bath effect." Kapag naiinitan ang iyong katawan sa shower, pinapalawak nito ang mga ugat sa iyong balat para ilabas ang init. Paglabas mo, ang mabilis na paglamig ng iyong core body temperature ay nagsisilbing senyales sa utak na oras na para matulog at mag-release ng melatonin (ang sleep hormone). Nagdudulot din ng muscle relaxation dahil ang init ng tubig ay nakakatanggal ng tensyon, nagpapalambot ng mga pagod na kalamnan, na nagbibigay-daan para makapag-relax ang buong katawan. Bumababa din ang blood pressure, ang init ay nagdudulot ng va*odilation (pagluwang ng mga daluyan ng dugo), na nagpapababa rin ng presyon ng dugo at nagpapa-kalma sa nervous system. Nagpapababa ng stress kasi ang steam o init ay nagpapababa ng cortisol (stress hormone) at nagpapataas ng endorphins (feel-good chemicals) sa katawan. Para sa pinakamagandang resulta, ang hot shower ay mabisang gawin 1 hanggang 2 oras bago matulog upang sakto ang pagbaba ng temperatura ng katawan sa oras ng iyong pagtulog.

Address

Commerce Avenue Westgate Center, Alabang
Muntinlupa City

Telephone

+639672844222

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MG Alabang by Keanu Maniego posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category