10/08/2026
🚨 Tips kapag may bagyo o baha para hindi masira ang e-bike 🚨
1. Huwag gamitin kapag mataas na ang baha.
Kahit gumagana ang motor, puwedeng pasukin ng tubig ang controller, motor at connectors.
2. Iwasang lumusong sa baha.
Kung hindi maiiwasan, siguraduhing mababa lang ang tubig at huwag hayaang lumubog ang electrical components.
3. Huwag mag-charge kapag basa ang e-bike.
Patuyuin muna ang charging port, charger at battery terminals bago isaksak.
4. Kung may removable battery, tanggalin ito kapag may posibilidad ng baha.
Itago sa tuyo at mataas na lugar.
Kung lead-acid battery:
Siguraduhing mahigpit at maayos ang battery terminals. Pagkatapos mabasa, linisin at patuyuin para maiwasan ang corrosion.
5. Kung lithium battery:
Kapag nalubog sa baha, huwag basta i-charge o gamitin. Ipa-check muna sa technician dahil maaaring magkaroon ng internal damage kahit gumagana pa sa una.
6. Takpan ang e-bike kapag naka-park sa labas.
Gumamit ng waterproof cover, pero mas maganda pa rin kung nasa tuyo at mataas na lugar.
Pagkatapos mabasa, huwag agad gamitin nang todo.
7. Patuyuin muna ang connectors, charging port, controller area at wiring.
8. Kapag biglang namatay matapos mabasa, huwag paulit-ulit na i-on.
9. Patayin muna ang power at ipa-check. Ang paulit-ulit na pag-on ay maaaring magpalala ng electrical short.
10. Kung nalubog sa baha, ipa-check agad.
Kahit gumagana pa, maaaring may tubig sa controller, motor, connectors, bearings o wiring na magiging problema pagkalipas ng ilang araw.
⚠️ Pinakamahalagang tandaan:
Baha + kuryente = huwag ipilit.
Mas mura ang maghintay at magpa-check kaysa mapalitan ang controller, battery o motor.
Looking for an E-bike Technician around Motalban Rodriguez Rizal?
📣Send us a message or call us for inquiries
📱09469126186
📧 [email protected]