06/04/2026
𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐲 𝐈𝐫𝐚𝐧 𝐝𝐞𝐚𝐥?
Basahin ang detalyado at praktikal na paliwanag mula kay Prof. Antonio Contreras, isang political analyst at scientist.
“Bakit daw hindi bumaba ang presyo kahit may Iran deal… at bakit hindi na lang ibaba ng gobyerno o tanggalin ang buwis?”
Sige, himayin natin, para tapos na ang kalituhan.
1. Hindi promo ang Iran deal
Yung usapan sa Strait of Hormuz
*DAAN ang sinigurado
*Hindi presyo
Parang sinabi lang:
*“Makakarating ang delivery mo.”
*Hindi: “May 50% off ka.”
2. Global ang presyo, hindi local
Kahit anong gawin ng gobyerno, kung mahal ang langis sa world market, mahal talaga yan.
Hindi tayo ang nagse-set ng presyo. Buyer lang tayo sa global system.
3. “Eh tanggalin/suspendihin na lang ang excise tax!”
Hindi ganun kadali
Ito yung paboritong linya ng mga galit na galit pero kulang sa context.
Yes, may batas na ipinasa ang Congress para bigyan ng authority ang Presidente na i-suspend ang excise tax sa fuel under certain conditions.
Pero eto ang hindi nila gets:
*Hindi ito automatic
*Hindi ito instant
*Hindi ito basta “click suspend”
Una: may conditions yan. Hindi puwedeng trip lang.
Kailangan:
*sustained high oil prices
*malinaw na economic trigger
*policy justification
Hindi pwede yung: “Ang mahal today, suspend agad bukas.”
Pangalawa: may proseso at assessment
Bago gawin:
*tinitingnan ang fiscal impact
*kinocompute ang revenue loss
*ina-assess kung kakayanin ng budget
Kasi bawat litro na walang excise tax = bawas kita ng gobyerno
Pangatlo: may kapalit yan
Pag sinuspend mo:
*saan kukunin ang pondo?
*anong programa ang babawasan?
*kailangan bang mangutang?
Hindi ito libreng desisyon. May trade-off.
Pang-apat: hindi pa rin guaranteed na malaki ang ibababa
Kahit i-suspend mo: global price pa rin ang base; may ibang components pa (logistics, forex, margins)
So hindi ito magic na: “tanggal tax = mura agad”
4. “Eh suspendihin lang sandali!”
May domino effect
Kahit sabihin mong “temporary lang,” ganito ang mangyayari:
*Mabubutas ang budget
*Tataas ang deficit
*Mangungutang ang gobyerno
*Tataas interest rates
*Apektado buong ekonomiya
So ang murang gasolina ngayon,
pwedeng palitan ng mas mahal na bilihin bukas.
5. “Tanggalin ang VAT!.”
Mas komplikado pa
Yung VAT (12%) ay isa sa pinakamalaking revenue sources ng gobyerno.
Tanggalin mo yan sa fuel:
Malaking butas agad sa pondo. Kailangan mo hanapan ng kapalit (ibang tax o utang)
At take note, kahit tanggalin mo VAT,
*kung mataas ang global price,
*mahal pa rin ang base price mo.
Hindi magic wand ang VAT removal.
6. Hindi lahat ng bawas, ramdam agad
Kahit magbawas ng tax:
*May lag sa presyo
*May adjustments sa supply chain
*Hindi automatic full pass-through
So yung inaasahan nilang “bagsak presyo agad”? Hindi ganun ang mechanics ng fuel pricing.
7. “Eh ibaba na lang ang pamasahe!."
Hindi rin ganun kasimple
Ito pa isang classic na sigaw.
Una sa lahat, ang pamasahe ay hindi lang nakadepende sa presyo ng gasolina.
Kasama diyan:
*boundary o amortization ng sasakyan
*maintenance at piyesa
*kita ng driver
*demand at supply ng pasahero
Pangalawa: may proseso din ito
Hindi pwedeng utos lang.
Dadaan ito sa:
Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB): hearings, petitions, evaluation
Hindi ito “presidential announcement = baba pamasahe.”
Pangatlo: may timing issue
Kapag tumaas ang diesel: agad ang hirit na taas-pasahe
Pero kapag bumaba: hindi agad naibababa
Bakit?
Kasi kailangan munang makabawi ang operators sa naunang lugi.
Pang-apat: may risk sa supply ng transport
Kung pipilitin mong babaan agad:
*Baka tumigil ang operators
*Kumonti ang bumabyahe
*Mas lalong mahirapan ang commuters
8. “Eh di itaas na lang agad ang pamasahe!” para matulungan ang drivers
Hndi rin pwede basta-basta
Ito naman yung kabilang extreme.
Kapag agad-agad mong tinaasan ang pamasahe:
*Diretso tama sa commuters
*Tataas cost of living
*Magtutulak ng inflation
May balancing act ang gobyerno
Hindi pwedeng:
*sobrang baba: lugi ang driver
*sobrang taas: lugi ang publiko
Kaya ang approach: dahan-dahan, may proseso, may assessment
At may political at social cost yan. Ang pamasahe ay hindi lang economic issue. Social stability issue din yan.
Isang maling galaw:
*pwedeng magdulot ng public backlash
*pwedeng mag-trigger ng chain reaction sa presyo ng goods
Linawin uli natin, hane?
Yung mga nagsasabing:
*“Bakit hindi na lang ibaba presyo?”
*“Bakit hindi tanggalin buwis?”
*“Bakit hindi ibaba pamasahe?”
*"Bakit hindi itaas agad pamasahe?”
Parang nagtatanong: “Bakit hindi na lang gawing simple ang isang komplikadong sistema?”
Kasi hindi ganun ang mundo.
Real talk
Ang tunay na choice ngayon:
*May supply pero mahal vs Walang supply, total crisis
At pinili ng gobyerno yung una.
At kung hanggang ngayon hindi pa rin gets, kahit ilang explain, baka hindi energy policy ang problema…
Alam niyo na.