09/11/2025
PAALALA SA MGA KA-RIDER NA LUMUBOG ANG MOTOR SA BAHA
Huwag muna kabahan kung lumubog sa baha ang motor ninyo sa parking o sa daan. May tamang paraan para ayusin yan basta huwag muna piliting paandarin.
Lalo na kung FI (Fuel Injected) ang motor mo, mas lalo lang masisira kapag sinubukan mong i-start agad.
Narito ang mga dapat mong gawin step-by-step:
1. I-disconnect agad ang battery.
Para maiwasan ang short circuit habang nililinis o tinutuyo ang mga parts.
2. Palitan ang engine oil at gear oil.
Kapag may halong tubig ang langis, siguradong maaapektuhan ang loob ng makina.
3. Palitan ang spark plug.
Madalas itong nababasa kapag lumubog ang motor kaya hindi talaga aandar kung hindi papalitan.
4. Alisin ang tambutso (pipe) at tanggalin ang tubig sa loob.
Patuyuin ng maigi bago ibalik.
5. Tanggalin ang air filter.
Kung basang-basa, patuyuin o palitan kung kinakailangan.
6. Kung carb type ang motor mo, i-drain ang carburador.
Tanggalin ang tubig at dumi sa loob para bumalik sa maayos na daloy ng gasolina.
7. I-drain din ang fuel sa tangke.
Maaaring may tubig na pumasok kaya mas mabuting bagong gasolina ang gamitin.
8. Pagkatapos magawa ang lahat ng ito, huwag agad bumiyahe.
Subukang paandarin at pakinggan kung may kakaibang tunog, kalansing, o palya.
9. Ipa-check pa rin sa isang marunong o pinagkakatiwalaang mekaniko.
Kahit gumana, mainam na masuri kung may tubig pa sa loob ng makina o kung may parts na kailangang palitan.
Normal lang kung medyo magpalyang konti sa una at mawawala rin ito pag umiinit na ang makina.
Tips bago lumusong sa baha:
1. Suriin muna ang lalim ng tubig bago tumuloy.
Kung hindi mo makita ang kalsada o kung lampas sa kalahati ng gulong, huwag nang ituloy.
2. Huwag pwersahin kung hindi sigurado.
Kapag napilitan kang lumusong, panatilihing mabagal lang ang takbo at steady ang throttle.
3. Iwasang huminto habang nasa gitna ng baha.
Kapag tumigil, mas madali papasok ang tubig sa tambutso at air filter.
4. Pagkalabas ng baha, agad i-check ang preno.
Pindutin ng ilang beses habang umaandar nang mabagal para matuyo at bumalik ang kapit.
5. Pag-uwi, linisin agad ang motor.
Hugasan ng maayos, lalo na sa ilalim, at patuyuin bago itabi para maiwasan ang kalawang.
Ingat sa biyahe mga ka-retro.
Mas mabuting magtagal ng konti sa daan kaysa masira ang motor at ma-stranded.
Ride safe lagi.