22/09/2026
🔧 MADALI BA MAG-BUILD O MAG-OVERHAUL NG MAKINA?
Para sa iba, baka tingin nila simple lang ang pagbu-build o pag-o-overhaul ng makina. Pero para sa amin na shop owner at mekaniko, malaking responsibilidad ito.
Hindi namin minamadali ang trabaho dahil bawat makina na ginagawa namin ay binubusisi at chine-check nang mabuti bago namin ibalik sa may-ari. Hangga’t maaari, gusto naming makita at maayos ang lahat ng posibleng problema para hindi na kayo pabalik-balik sa shop.
Kaya minsan, akala natin tapos na ang trabaho, pero sa final inspection, may makikita pa ring kailangang ayusin. Gaya nitong makina na tapos na sana, pero nang silipin ni Boss B**g, may napansin siyang katas o bakas ng bagong langis. Dahil ayaw naming isoli ang sasakyan na may kahit maliit na duda, babalikan at susuriin ulit namin. 🛠️
Sa mga customer at may-ari ng sasakyan, humihingi lang po kami ng kaunting konsiderasyon at pang-unawa kapag nadedelay ang trabaho. Hindi po namin sinasadya ang delay. Mas gusto naming matagalan nang kaunti pero pulido at maayos, kaysa madaliin at magkaroon ng problema pagkatapos.
At sana rin po, suportahan natin ang tamang presyo para sa oras, pagod, kaalaman, experience, tools at kalidad ng trabaho ng isang mekaniko.
May mga pamilya rin kaming binubuhay, may mga empleyadong umaasa sa trabaho, at may shop na kailangang sustentuhan—upa, kuryente, tools, maintenance at mga bagong kagamitan para mas mapaganda pa ang serbisyo.
🙏 Hindi lang makina ang inaayos namin. Kabuhayan din ang pinapanatili namin.
Kaya maraming salamat sa mga customer na marunong umunawa, nagtitiwala at nagbibigay ng tamang halaga sa aming trabaho. ❤️
Hindi namin goal na matapos lang ang makina.
Goal namin na makaalis kayo nang kampante at maayos ang sasakyan. 💯🔧
Yhan Katorse yhanz Auto Repair Online Service Lovey Cko