14/01/2026
πππ: πππ πππππππ ππππ ππ ππππππβπ πππππππ ππ ππππππ πππ πππππππ ππ π-πππ πππ; πππ ππ πππππ ππ πππππππππ ππ πππ ππππ
π
ππ πππ
πππππ ππ πππππππππ ππππππ
Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) mula sa pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na ang digital copy ng driverβs license ay maaari nang ma-access at ipakita sa pamamagitan ng eGov Philippines mobile application (eGov App), at ito ay ganap na valid at kinikilala ng lahat ng traffic enforcer at deputized agents sa buong bansa.
Kasama ng Land Transportation Management System (LTMS) portal at app, ang eGov App ay isa nang opisyal na plataporma kung saan maaaring makuha at ipakita ng mga driver ang kanilang elektronikong lisensya. Maaari itong ipresenta bilang alternatibo sa pisikal na kopya tuwing mayroong traffic inspection o kapag kailangang patunayan ang bisa ng kanilang lisensya, bastaβt ito ay malinaw na makikita at naglalaman ng lahat ng kinakailangang detalye tulad ng pangalan ng may-ari, petsa ng pag-expire, uri ng lisensya, at iba pang mahahalagang impormasyon.
Sa pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao: βAng pagpapahintulot sa pag-access at paggamit ng digital na driverβs license sa eGov App ay bahagi ng ating pangako na gawing mas maginhawa, mabilis, at modernong serbisyo ang mga inaalok ng LTO. Hinihikayat natin ang lahat ng mga driver na gamitin ang mga digital na opsyon na ito, ngunit tandaan na tiyakin na ang kanilang digital na lisensya ay laging updated at wasto upang maiiwasan ang anumang abala.β
Hinihikayat ang lahat ng mga driver na i-download ang eGov App o gumamit ng LTMS platform para ma-access ang kanilang digital na driverβs license, at tiyaking ito ay naka-save o maaring maipakita ng maayos kapag kailanganin ng mga awtoridad.