Gear-1 Driving School - Almanza Las Piñas

Gear-1 Driving School - Almanza Las Piñas “UNLOCK YOUR DRIVING POTENTIAL” ENROLL NOW!

19/01/2023

a𝐋is𝐓𝐎 GUIDE !

Para sa mas mabilis na transaction sa LTO, gumawa ng Land Transportation Management System (LTMS) Public Portal Account.

Narito ang step-by-step guide.

Sa pamamagitan ng inyong LTMS account, maari mo nang i-view ang inyong transactions sa LTO. Patuloy din ang improvement nito upang sa mga susunod na panahon ay pwedeng pwede nang gawin sa inyong mga tahanan ang mga LTO transactions gaya ng renewal ng license at iba pa.

Mahalagang maalaman natin ng personal ang mga paraan kung paano makapagtransact sa mga tanggapan ng gobyerno upang maging alisto sa mga mapagsamantala o fixers.
# Motoristang Disiplinado at Alisto ligtas sa Peligro!

𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘨-𝘴𝘦𝘯𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘯𝘴𝘢𝘩𝘦 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘍𝘉 𝘔𝘦𝘴𝘴𝘦𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘰 𝘮𝘢𝘨-𝘦𝘮𝘢𝘪𝘭 𝘴𝘢 1300𝘳𝘥𝘮𝘱𝘢𝘰@𝘨𝘮𝘢𝘪𝘭.𝘤𝘰𝘮 𝘰 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘯𝘶𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯𝘨 827-31504.
𝗣𝗵𝗼𝘁𝗼 𝗯𝘆: 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 - 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗗𝗠𝗣𝗔𝗢






10/01/2023

ka𝐋ig𝐓asan M𝐎 Tips !

Kaligtasan mo ay hangad ng LTO NCR West!
Narito ang ilang safety tips upang maging ligtas sa kalsada.

# Motoristang Disiplinado at Alisto ligtas sa Peligro!
𝗣𝗵𝗼𝘁𝗼 𝗯𝘆: 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 - 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗗𝗠𝗣𝗔𝗢






10/01/2023

𝗞𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 “𝗳𝗶𝘅𝗲𝗿,” 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝗧𝗢

PINATINDI pa ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya nito upang matuldukan ang modus ng mga fixer sa regional at district offices ng ahensya sa buong bansa.

Kasunod ito ng pinakahuling insidente ng pagkaka-aresto ng dalawang hinihinalang fixer sa Pamplona, Camarines Sur.

Tiniyak ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang serye ng mga operasyon laban sa katiwalian sa kanilang hanay at sa iba pang nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad sa ahensya.

Kaakibat nito ang muling apela ni Tugade na huwag tangkilikin ang alok na serbisyo ng mga “fixer.”

Binigyang-diin ni Tugade na ang pagdaan sa “shortcut” at ilegal na paraan ng pagkuha ng lisensya ng pagmamaneho o pagpaparehistro ng sasakyan ay maglalagay sa panganib sa buhay hindi lamang ng mismong drayber kundi maging ng kanyang mga pasahero at ng mga taong nasa lansangan.

“Dumadaan tayo sa tamang proseso ng pagkuha ng lisensya at pagpapa-rehistro ng sasakyan para matiyak ang road safety. Dapat alam ng mga aplikante na mahalagang sapat ang kanilang kaalaman sa pagmamaneho at kaligtasan sa lansangan para hindi makasakit o makadisgrasya ng kapwa,” pahayag ni LTO Chief Tugade.

“Importante rin na ang mga pinapa-rehistrong sasakyan ay pasado sa road worthiness para hindi maging mitsa ng aksidente,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay isang entrapment operation ang inilunsad ng pinagsanib na puwersa ng LTO Region 5 at pulisya sa Camarines Sur.

Dalawang hinihinalang lalaking “fixer” na may edad 74 at 34, at kapwa naninirahan sa Brgy. Poblacion, Pamplona, Camarines Sur ang huli sa aktong isinasagawa ang ilegal na aktibidad sa opisina ng LTO sa Brgy. Del Rosario, Pamplona, Camarines Sur.

Nahaharap na ang dalawang suspek sa kasong paglabag ng Section 12 ng Republic Act 9485 o “Anti-Red Tape Act of 2007.”

Ipinahayag ni LTO Chief Tugade ang kaniyang pagkalugod at pasasalamat sa pagsisikap na ipinamalas ni LTO Region 5 Regional Director Francisco Ranches, Jr. at Assistant Regional Director Vincent Nato sa walang kapaguran na kampanya nito kontra sa mga fixer sa kanilang nasasakupan, at sa mabilis nitong aksyon sa pag-aresto sa mga suspek.

🇵🇭


10/01/2023

𝐃𝐫𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐬𝐩𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐠 𝐋𝐓𝐎


PINATAWAN ng 30-araw na suspensyon ng Land Transportation Office (LTO) ang isang driving school sa Palawan habang iniimbestigahan sa posibleng paglabag sa akreditasyon nito.

Iniutos ni LTO-MIMAROPA Acting Regional Director Manuel Betaizar ang suspensyon sa gitna ng ginagawang pagsisiyasat sa umano’y paglabag ng driving school sa Article VII Section 26.c.7 (Prohibitions for Driving Institutions) ng LTO Memorandum Circular 2021-2284.

Kasunod ito ng natanggap na mga reklamo ukol sa sinasabing iregularidad sa paggamit ng accreditation ng nasabing driving school, partikular sa pagsasagawa ng Theoretical Driving Course (TDC) at Driving Enhancement Program (DEP) nito sa labas ng inaprubahang silid-aralan ng LTO.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ng LTO ang mga accredited driving school nito sa buong bansa na maging maingat sa kanilang pagsasagawa ng driver training courses.

Binigyang-diin ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang kahalagahan ng wasto at maayos na pagtuturo sa mga nagnanais na maging drayber.

“Lubhang mahalaga na natuturuan ng maayos ang aspiring drivers. Ang mabuting pagmamaneho ay nagsisimula sa driving schools dahil kung mali ang kanilang sistema ng pagtuturo, magdudulot lang din ito ng mga road crash sa lansangan, bagay na hindi natin pinapayagan sa LTO,”diin ni Tugade.

🇵🇭


07/01/2023

𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎!

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊, 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐓𝐎 𝐍𝐂𝐑 𝐖𝐞𝐬𝐭 sa 𝐄𝐍𝐄𝐑𝐎 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟑 na matatagpuan sa 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐀𝐑𝐄𝐀 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐋𝐓𝐎 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞𝐫'𝐬 𝐋𝐢𝐜𝐞𝐧𝐬𝐞 𝐑𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐬 (𝐃𝐋𝐑𝐎𝐬) 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐥𝐬 bilang pakikiisa sa pag-gunita ng FEAST DAY of the BLACK NAZARENE.

Magbabalik ang operation ng mga nasabing opisina sa Enero 10, 2023.

Maraming salamat po.



07/01/2023

Address

Alabang-Zapote Road, Almanza Uno
Las Piñas
1740

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gear-1 Driving School - Almanza Las Piñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Gear-1 Driving School - Almanza Las Piñas:

Share

Category