25/06/2026
ππππππππ πππππππ, ππππ ππ πππππππππ ππ πππ πππππππ πππππππππ ππ πππππ ππ πππππππππ ππ πππππππππ πππππ πππ πππππ ππ πππππ ππππ πππππππ ππππ ππ πππππππππππ ππππ; ππππππππ ππππππππ, ππππππππ ππππππππππ
Mabilis na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO) laban sa pilotong drayber ng isang sasakyan na nasangkot sa isang viral na insidente sa isang parking area sa Mandaluyong City, matapos itong maakusahan ng pananakot gamit ang baril kaugnay ng alitan sa parking space.
Batay sa isinagawang inisyal na imbestigasyon at sa video na kumakalat sa social media, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng naturang drayber at isa pang motorista hinggil sa parking slot. Sa gitna ng insidente, lumitaw ang alegasyon na ang drayber ay umano'y naglabas at nagwagayway ng baril ang laban sa isang magkasintahan na sangkot sa naturang alitan, at kasalukuyang nagrerekord ng insidente.
Dahil dito, agad naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) matapos matukoy ng LTO ang pagkakakilanlan ng drayber at ng rehistradong may-ari ng naturang sasakyan. Inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at ang drayber na humarap sa pagdinig sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay o paliwanag hinggil sa insidente at sa mga posibleng paglabag na maaaring isampa laban sa kanila. Kinakailangan ipaliwanag ng sangkot na drayber kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang lisensya nito dahil sa pagiging isang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
"Ang anumang uri ng pananakot, karahasan, o agresibong pag-uugali ng mga motorista ay hindi katanggap-tanggap at salungat sa prinsipyong dapat pairalin ng bawat responsableng gumagamit ng sasakyan. Ang bawat may hawak ng lisensya ay inaasahang magpakita ng disiplina, pagpipigil sa sarili, at paggalang sa kapwa sa lahat ng pagkakataon," pahayag ni LTO Chief, Assistant Secretary Lacanilao.
Habang nagpapatuloy ang pagdinig at imbestigasyon, iniutos ng LTO ang agarang pagsuko ng lisensya ng naturang drayber at isasailalim ito sa siyamnapung (90) araw na preventive suspension. Samantala, inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan upang hindi ito makapagsagawa ng anumang transaksyon sa LTO habang nakabinbin ang kaso.
Muling pinaalalahanan ng LTO ang publiko na walang lugar sa kalsada at sa mga pampublikong lugar ang anumang anyo ng pananakot, dahas, at pag-abuso. Ang isang iglap ng galit ay maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng iba at magbunga ng mabigat na pananagutan. Anuman ang estado sa buhay o propesyon, walang sinuman ang nakahihigit sa batas. Sa bawat pagkakataon, ang pagpili ng paggalang, pagpipigil sa sarili, at responsableng pagkilos ang tunay na sukatan ng mabuting mamamayan at responsableng motorista.