15/02/2024
Fuses
Ang mga fuses, fusible links, at circuit breakers ay mga circuit protection devices. Sila ang unang masisira upang mag open ang circuit para protektahan ang mga electrical at electronic devices kapag short o grounded ang isang circuit.
Ang mga fuse ay naka install sa fuse block o fuse panel, which is usually makikita sa ibaba ng instrument panel or sa tabi ng engine.
Kapag masyadong malakas ang current flow, ang metal strip sa loob ng fuse ay mag overheat at mag melt na syang mag open sa circuit at hindi tuloyang masira ang ibang electrical components.
Ang mga number sa dulo ng fuse ay ang kanyang load rating. Ito ang amount ng current in amperes bago ito mag blow o mag open. Ang mga fuses ay may color codes base sa kanilang load ratings.