03/01/2024
‼️‼️‼️ BAKIT MAHALAGANG MAPA PMS o PREVENTIVE MAINTENANCE SERVICE ANG SASAKYAN?
🔽🔽🔽
Ang PMS - Periodic Maintenance Service o Preventive Maintenance Service ay dapat na ginagawa sa iyong sasakyan kada 10,000Km o kada 6 na buwan upang maiwasan ang malakihang paggastos at aberya sa daan. mahalaga at importanteng maisagawa para :
1️⃣ - MAIWASAN ANG BIGLAANG PAGKASIRA O PROBLEMA NG IYONG SASAKYAN
Imagine ikaw ay nagddrive ng iyong sasakyan maaaring papasok ka ng trabaho, nasa bakasyon o may importanteng lakas at biglang tumigil ang iyong sasakyan sa hindi mo malamang dahilan?.. Hindi ba't isang malaking abala at sakit sa ulo ito?.. Nakakatulong ang PMS upang malaman ang status ng iyong sasakyan bago mo ito ibyahe o dalhin sa malayuang lakad mo o ng iyong pamilya, nalalaman sa PMS ang mga problema ng iyong sasakyan bago pa ito lumala at tuluyang masira.
2️⃣ MAPATAGAL ANG BUHAY NG IYONG SASAKYAN
Nakakatulong ang PMS para mas mapatagal ang buhay ng iyong sasakyan, kapag regular na napapa PMS ang iyong sasakyan mas maiiwasan ang pagkasira ng mga parts, sensors makina o transmission ng iyong sasakyan, dahil dito mas hahaba ang buhay ng iyong sasakyan at mas matagal mo itong mapapakinabangan.
3️⃣ MAS MAKAKATIPID SA GASTOS
Alam mo ba na mas makakatipid ka sa gastos kapag regular na napapa PMS ang iyong sasakyan? Dahil kapag regular na napapalitan ang iyong engine oil, naccheck, nalilinis at na lulubricate ang mga parts ng iyong sasakyan gaya ng brakes, bushings at iba pang moving parts ng iyong sasakyan at naccheck/topup ang fluid levels ng iyong sasakyan ay mas maiiwasan ang tuluyang pagkasira nito, dahil dito naiiwasang humantong sa malalang pagkasira at malakihang gastos para sa iyong sasakyan.
4️⃣ SA LIGTAS NA PAGGAMIT NG IYONG SASAKYAN
Syempre ang last but not the least ang pinaka importante sa lahat syempre walang iba kung hindi ang SAFETY natin. SAFETY FIRST ika nga, mas masisiguro natin ang ating kaligtasan kapag regular natin na napapa PMS ang ating mga sasakyan, sapagkat regular na naccheck ang mga preno ng sasakyan dito nakikita kung manipis naba ang brake pads at brake shoe ng iyong sasakyan naccheck din kung may leak naba ang brake fluid, mga wheelcylinders at mga brake fluid lines ng iyong sasakyan at ang level nito sa Brake Fluid Reservoir.
Kaya mahalagang regular na mapa PMS ang iyong sasakyan kada 10000KM o 6 na buwan, nasa iyong kamay ang desisyon upang maging ligtas, mas humaba pa ang buhay ng iyon sasakayan.
Ano pa hinihintay mo? Magpaschedule na ng Homes Service dito sa JEAC HOME SERVICE at sisiguraduhin natin na ligtas gamitin at hahaba ng buhay ng sasakyan mo.
For Inquiries Please Call 0956 486 9905