15/02/2026
https://www.facebook.com/share/p/1HUC1rs8q9/
P A R A M A L I W A N A G :
Ang pag-gamit ng LPG tank ng brand owner ay "RIGHTS ONLY" ano ang ibig sabihin nito?
Pag bumili ka ng bagong LPG Tank na may laman o wala hindi nangangahulugang pag-aari mo na ang tanke kahit ito'y binayaran mo na.
Ang ibinayad mo ay para sa cylinder deposit o security deposit. (usually refundable)
Ibig sabihin ang tanke ay hindi pa rin sayo, hindi pa rin ikaw ang legal o rightful owner ng property.
Ang binayaran mo ay "KARAPATAN LAMANG" o "RIGHTS ONLY" - hindi ang "OWNERSHIP". - LPG Technicians of the Philippines