22/12/2022
Isang lalake ang nag litson ng isang malusog na baka. At nung pwede na itong ihain Tinawag nya ang kanyang bunsong lalaking kapatid at sinabi: Lumabas ka at puntahan mo ang ating mga kapitbahay at kaibigan at imbitahan para sa ating salo salo.
Lumabas ang kanyang kapatid at sumigaw... At ito ang kanyang sinigaw...
Mga kapit bahay tulungan nyo kami nasusunog na ang aming Tahanan..
Dali daling tumakbo naman yung mga ibang nakarinig patungo sa bahay nila para tumulong mag apula sa sunog...
ang iba namay parang walang narinig
mga iba naman Ay sadyang Ayaw talagang tumulong.
nagtaka naman yung mga gustong tumulong dahil wala namang sunog kundi handaan o may litsunan naman pala....
At sila'y nagpakabusog. Napansin naman ng panganay na kapatid na wala man lang syang kakilala sa mga naimbitahan at tinanong ang kanyang nakakabatang kapatid na lalake.
"Asan na mga kapitbahay at mga kaibigan natin?" sagot naman ng kapatid "wala". "Anong wala?" sagot ulit ng kapatid "WALA NGA! SUNOG KASI ANG ISINIGAW KO KAYA WALANG NAG PUNTA"
"Kuya huwag mo na silang hanapin. etong mga tao na nasa bahay natin ngayon ang mga tunay na kaibigan na handang tumulong sa oras na tayo ay nangangailangan"
Lesson :
maraming kaibigan na kilala ka lang sa oras na sila'y nangangailangan pero pag ikaw naman ang nangangailangan dimo sila maaasahan.