01/09/2025
Ang tawag dito ay LPG SAFETY DEVICE or LPG ANTI-LEAK DEVICE.
Bukod sa POL regulator, ito ay ginagamit din ng mga SCAMMERS para makapangloko, ang actual price nito ay more or less 900 Pesos lamang. Ito ay ibinibenta ng mga SCAMMERS sa halagang 4,000 hangang 6,000 Pesos.
Ang ORDINARY REGULATOR ay SAPAT NA, HINDI na kailangan ng ano mang uri ng safety devices sa ating LPG system sa tahanan. Ito ay HINDI GUMAGANA sa MAHINANG LEAK o MALIIT NA BUTAS NG HOSE kaya mag-inggat.
At karaniwan, kung ang gamit mong LPG tank ay SNAP ON VALVE, A/S VALVE, o COMPACT VALVE. Ito ang io-offer ng SCAMMERS sa inyo.
MAGING ALERTO HUWAG MAGPALOKO. - LPG Technicians of the Philippines