09/06/2026
Magandang Balita!
Ikinagagalak ng aming LRB Gas station โฝ๏ธ kami po ay tumatanggap ng Government Fuel Subsidy para sa qualified PUVโs. Sulitin ang benepisyo at bawas gastos sa inyong biyahe!โฝ๏ธ
Ang P10-per-liter Fuel Subsidy Program para sa mga PUV ay bahagi ng UPLIFT (Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport). Ito ay tulong ng pamahalaan upang mabasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa ating mga tsuper at operator.
Sa ilalim ng programang ito, magbibigay ang gobyerno ng P10 bawat kada litro sa bawat PUV. Layunin nitong mapababa ang gastos sa pamamasada, dagdagan ang kita ng ating mga kababayang tsuper, at tiyakin na mayroong sapat na masasakyan ang mga commuter anumang oras.
Ito ay ipapatupad sa pamamagitan ng batch rollout batay sa listahan ng LTFRB.
MAHALAGANG PAALALA!
Sa ilalim ng programa, maaaring makapag-avail ang mga kwalipikadong tsuper ng โฑ10 diskwento kada litro ng diesel, na may hanggang 150 liters na limitasyon kada linggo, na maaaring magbigay ng tinatayang โฑ1,500 na tipid bawat linggo depende sa aktwal na konsumo.
Ang mga participating stations ay batay sa listahan ng
Department of Energy (DOE).
PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA KA SA LISTAHAN NG SUBSIDY?
Magtanong sa inyong kooperatiba o operator.
โข I-check ang listahan sa LTFRB website (https://ltfrb.gov.ph/)
Tandaan: Para lamang ito sa mga kwalipkadong PUV na nasa listahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory
Board (LTFRB).
PAANO MAG- AVAIL NG SUBSIDY?
1. Magpakarga ng diesel sa participating gas stations (LRB Gas Stationโฝ๏ธ)
2. Sabihin sa attendant na mag-a-avail ng fuel subsidy.
3. Ibigay ang plate number ng inyong rehistradong PUV at ipa-encode ito sa cashier sa Fuel Subsidy System.
4. Ibeberipika ng gas attendant ang record upang makita ang inyong natitirang balance sa Fuel Subsidy para sa kasalukuyang linggo.
5. Direktang ibabawas ang P10/L na subsidy sa inyong kabuuang bayarin.
Tandaan: Lunes hanggang Linggo ang weekly allocation, at nagre-reset tuwing Lunes. Ang hindi nagamit na balance ay mapapaso at hindi maaaring i-carry over sa susunod na linggo.