07/09/2026
1. Akala ko pagtitipid lang ang sagot sa problema ko sa pera.
Kahit anong tipid mo, kung pareho lang ang pumapasok na INCOME, limitado pa rin ang MAIIPON mo. Dapat pala nakafocus o nag dadagdag karin ng INCOME para mas lumago ng nasasave mo
2. Akala ko kapag pagod ako,
productive na ako.
Maraming araw na halos wala na akong pahinga, pero wala naman akong nagawang makakapagpabago sa buhay ko. Doon ko na-realize: hindi lahat ng nakakapagod, nakakaangat. Kahit anong effort mo, papunta ka sa success destination mo " mas mabilis parin sumakay sa EROPLANO kesa sa BIKE" same with your goals and dreams.. kung 5 years, 10 years or more ka ng nag wowork at wala kaparin napupundar it means naka "bike" ka.
3. Magaling naman ako...
Hindi pala sapat na magaling ka. Kailangan marunong ka ring magsalita, matapang at malakas ang loob...
4. Akala ko kailangan ko munang maging confident bago magsimula.
Baliktad pala. Hindi ka kikilos dahil confident ka, nagiging confident ka dahil paulit-ulit kang kumikilos kahit kinakabahan ka pa.. nothing sill start unless you start!
5 Wala si Lord sa mga plans ko.
all this time, kaya pala hindi ako maka move forward dahil hindi ko naman siya sinama sa plans ko.. kasi right now, naniniwala ako kahit sobrang nakakatakot yung mga next na decisions ko basta anjan si Lord magkamali man ako or tumama as long as parte siya ng plano.. "God will provide"
Kung matagal ka nang lumalaban pero parang walang nangyayari, baka hindi ka kulang sa sipag may kailangan ka lang matutunan at baguhin.