18/11/2025
KWENTONG TOYOTA: "CLOVER" ☘️🚙
Si CLOVER, ang trusty Toyota Vios, binili naming mag-asawa noong 2019. Back then, simple lang ang reason: “Para sa future.” Para sa araw na magbubuntis ako, para sa comfort sa biyahe, checkups, at pag-aalaga sa magiging baby namin. "Simple dreams, simple start."
Pero dumating ang COVID. Lahat huminto… except CLOVER. Noong sarado ang public transport at puno ng takot ang mundo, she kept us safe, moving, and hopeful.
"When the world paused, she moved for us.”
Hindi lang pandemic buddy si CLOVER naging wedding car pa namin, sa bawat biyahe, sa bawat luha at tawa, kasama siya. At hanggang ngayon, siya ang daily workhorse naming mag-asawa na halos araw-araw buma-biyahe from Quirino Province, Santiago, Cauayan, Ilagan, hanggang Tuguegarao.
Walang arte, walang set-up, pero matatag, matipid, at maaasahan.
Sabi nga nila, “Hindi sukatan ang itsura ang mahalaga, kung gaano ka niya kayang dalhin sa mga pangarap mo.”
Ganito kaganda ang TOYOTA. Hindi lang siya sasakyan kaagapay din siya sa buhay, sa trabaho, sa pamilya, sa pangarap, sa laban, at higit sa lahat sa tagumpay.
Maraming Salamat CLOVER, for being part of our story.
And here’s to more miles, more memories, and more miracles on the road.✨💚
Eto ang kwento ko, IKAW ANONG KWENTONG TOYOTA MO?