27/05/2019
Bakit kailangang mag car wash kahit tag-ulan?
1.) MAINTENANCE. Mas nagiging madumi ang mga sasakyan pag tag-ulan. Kadalsan pa nga ay may putik sa loob ng sasakyan. Magandang name-maintain pa rin natin ang kaayusan at kalinisan ng ating mga sasakyan at isa ng paraan ang pagpapa-car wash.
2.) PREVENTION. Kapag hinayaan madumi ang sasakyan sa tag-ulan, lalong kumakapit ang dumi at gagasgas lamang ito sa pintura ng sasakyan. Para makaiwas sa karagdagang ikaka-gasgas ng ating sasakyan, parati pa rin nating ipalinis ito kahit pa tag-ulan. Advisable din na magpa-wax sa panahon ng tag-ulan para sa karagdagang proteksyon ng ating mga sasakyan.
3.) HEALTH. Sa panahon ng tag-ulan laganap ang mga sakit na dulot ng virus o bacteria, mas maiiwasan natin ito kung malinis ang ating sasakyan. Maganda ding gumamit ng mga anti-bacterial products upang mapatay ang mga bacteria sa loob ng ating mga sasakyan na maaaring maging dahilan ng sakit.
Visit SCPX Carwash and Detailing
Along Mc Arthur Hiway, Villa San Jose, Cut Cut I, Capas Tarlac