24/07/2024
Sa lahat po ng sasakyan natin na nalubog sa baha or nabaha.
Wag po natin agad paandarin hanggang hindi nagagawa ang sumusunod;
✅Kung lubog pa dn sa baha mahalagang matangal ang battery conection.
✅Wag po natin buksan ang mga pinto para hindi pumasok ang tubig sa loob ng sasakyan natin.
✅ Kung sa palagay nyo ay naabot ang engine ng baha buksan ang hood ng sasakyan, or puntahan ang dipstick, silipin ang status ng langis kung may humalo nang tubig,kapag may senyales wag nang tangkain paandarin.
✅Ilapit mo agad sa reliable technician mo ang kaso ng pag ka lubog ng sasakyan mo, upang masiguro ang tamang proseso ng pag gawa ng auto mo,ng flooded na sasakyan,tangalin ang mga spark plug,kung gasolina,at kuhanan ng fuel sample diesel man or gasolina para masiguro na malinis ang fuel system at tangalin ang glow plugs kung diesel para sure na walang na ipon na tubig sa combustion chambers,at e crank ng pitik pitik lng sa starter or much better manual ikotin ang crankshaft main pully,para matangal ang tubig sa loob ng chamber,same din sa mga motorcycle.
✅ Kung gagamitin ang sasakyan sa mahabang byahe mahalalagang ipagawa muna ang sumusunod;
🔧Change oil
🔧 Automatic transmission fluid
🔧Check transmission gear oil
🔧Check differential gear oil
🔧Check all fluid including brake, coolant and power steering.
🔧Check all electrical components
🔧Check all accessories
🧑🔧Ang pinaka mahalaga sa lahat ma inspection din ang brake system front and rear dahil ito ang unang naabot ng baha.
🤗Bago natin gamitin ang sasakyan make sure na safe at maayos na ang lahat guys para sa safety natin at ng pamilya natin.
🤗Sa mga nabasa ang carpet o loob ng sasakyan mahalagang tanggalin muna at patuyuin ito upang maiwasan ang pag karoon ng mabahong amoy sa loob ng sasakyan..
Ingat po tayo guys
Godbless po..