04/04/2023
Warning: Long but worth reading‼️
Si client ay isang family driver,lumapit siya sa amin para mag inquire ng installment for homecredit.Originally,ang gust o ng anak niya is iphone.May pinakita na siya sa amin na computation at kita sa mukha ni Sir na hindi niya kaya ang ganon kalaking halaga.Ang anak ni Sir ay grade 12 student pa lang.Naaawa ako habang tinititigan ko si Sir kasi bakas nakikita ko na iniisip na niya kaagad kung paano niya imamanage yung sinasahod niya at na kanyang asawa.Inalok namin siya ng mas mababang halaga ng unit pero hindi rin kaagad makapag decide si Sir kasi nag aalala siya na baka hindi magistuhan ng anak niya dahil iphone talaga ang gusto.At the back of my mind “grabe naman ang batang yon,hindi man lang niya inisip kung paanong kumakayod ang tatay niya para ibigay yung needs nila”.Matagal nilang kinumbinse yung anak nila habang kausap sa telepono para lang pumayag na yung mas mababa nalang muna ang mabili nila.Naawa ako kay Sir kasi kita ko na ginagawa niya ang lahat para maging mabuting ama at gusto niya ibigay yung luho ng anak niya pero hindi na talaga niya kaya.🥹🥹🥹
Sabi ko nga kay Sir “sabihin mo sir sa anak mo tsaka na siya mag iphone kapag nagtatrabaho na siya(may kasamang inis na ako niyan😒)
Naiinis ako sa mga anak na hindi marunong mag appreciate sa magulang nila na ginagawa ang lahat ng kaya nila para magprovide.
Bakit ba gugustuhin ng isang grade 12 student na magkaron ng mamahaling iphone?Para iyabang sa kaklase?!Habang nagkakanda kuba ang magulang nila sa pagtatrabaho.🥺🥺🥺
“Responsibilidad ng mga magulang ang pakainin,pag aralin at bihisan ang mga anak pero hindi ang suportahan ang mga luhong pangyabang lang”😒
(c) DavidDelMundo