29/12/2024
A gentle reminder from our City Mayor
Bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya para sa isang ligtas na pagsalubong sa 2025, inuulit ko ang aking direktiba sa lahat ng mga opisyal at tanod ng barangay na mag-ikot sa inyong nasasakupan upang matiyak na walang gumagamit ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng El Diablo, Judas' belt, whistle bomb, baby rocket, at iba pang kahalintulad na paputok.
๐๐๐ก๐ข๐ ๐ฉ๐ข๐ญ ๐๐ข๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐๐๐๐ฐ๐๐ฅ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐จ๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐.
Inaatasan ko rin ang Caloocan City Police Station (CCPS) na hulihin at patawan ng karampatang parusa ang mga mahuhuling nagbebenta o gumagamit ng mga ipinagbabawal na paputok kabilang na ang boga batay sa ating umiiral na ordinansa at sa Republic Act. 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices).
I-tu-turn-over naman sa City Social Welfare Development Department (CSWDD) ang mga menor de edad na makikitang gumagamit ng boga o paputok.
๐๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง, ๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ก๐ข๐ ๐ฉ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ฐ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐จ๐ฉ๐๐ง-๐ฉ๐ข๐ฉ๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ข๐ข๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฆ๐จ๐ญ๐จ๐ซ.
Sa CCPS, inaasahan ko ang pagtatalaga natin ng mga checkpoint upang maging payapa ang bagong taon para sa lahat ng Batang Kankaloo, paigtingin din natin ang police visibility, at pag-ibayuhin ang oras-oras na pagpapatrolya sa ating mga kalsada upang matiyak ang kapayapaan sa Caloocan.
Mga Batang Kankaloo, batid ko po na ang pagsalubong sa bagong taon ay panahon ng pagdiriwang, ngunit hindi rin po ito rason upang makapamerwisyo tayo ng kapwa. Ipagdiwang natin ang pagpasok ng taong 2025 ng ligtas, mapayapa at may malasakit sa ating mga kapwa Batang Kankaloo.