26/06/2026
TIGNAN | Nagsagawa ng audit sa Assessment Center ng S Two Dolorin Training Institute Inc. sina Ma’am Annette Acorda at Sir Mario Hertrudes ngayong araw, June 26, 2026.
Sinuri sa isinagawang audit ang tatlong qualifications ng assessment center: Driving NC II, Computer Systems Servicing NC II, at Motorcycle/Small Engine Servicing NC II, bilang bahagi ng patuloy na pagtiyak na ang mga assessment ay isinasagawa alinsunod sa itinakdang quality standards.
Lubos ang aming pasasalamat kina Ma’am Annette at Sir Mario sa kanilang oras, gabay, at mahahalagang rekomendasyon na magsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming mapabuti ang aming serbisyo.
Sa S Two Dolorin Training Institute Inc., nananatili kaming committed sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad, maayos, at mapagkakatiwalaang assessment services para sa lahat ng aming assessment candidates. Patuloy kaming magsusumikap na mapanatili ang mataas na pamantayan ng serbisyo para sa kapakinabangan ng bawat aplikante.