09/08/2026
KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA NUEVA ECIJA, SUSPENDIDO SA AGOSTO 10
Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Nueva Ecija bukas, Agosto 10, 2026, Lunes.
Ayon sa Provincial Government of Nueva Ecija, ipinatupad ang suspensyon sa direktiba ni Governor Aurelio โOyieโ Matias Umali, alinsunod sa Executive Order No. 22, Series of 2026.
Ginawa ang hakbang bilang pag-iingat sa patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat at inaasahang malalakas na pag-ulan sa lalawigan.
Batay sa Heavy Rainfall Warning ng DOST-PAGASA mula Agosto 8 hanggang 9, ilang bahagi ng Nueva Ecija ang nakaranas ng Yellow, Orange, at Red Warning Levels.
Sa Heavy Rainfall Warning No. 34 na inilabas alas-11:00 ng umaga nitong Agosto 9, nananatili ang tatlong rainfall warning levels sa ilang bahagi ng lalawigan.
Ayon din sa konsultasyon sa Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center, maaaring magpatuloy bukas ang kaparehong kondisyon ng pag-ulan na naitala nitong Agosto 8 at 9.
Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbiyahe, at iwasang dumaan sa mga binabahang lugar.
Hinihikayat din ang publiko na patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng DOST-PAGASA, PRFFWC, PDRRMO, at mga lokal na awtoridad.
Source: Provincial Government of Nueva Ecija