21/05/2017
PAALALA
SA MGA RACE ENGINEERS, SERVICE ENGINEERS, MECHANIC at SERVICE ADVISOR
Kapag may nagpagawa sainyo maging mahigpit sa CUSTOMER!
1. Wag nyo paalisin at pabantayin nyo sa ginagawa.
(maari kayong mabiktima at paratangan ng Mali na hindi kayo ang gumawa)
2. IPALIWANAG nyo ang gagawin nyo, mga 7 times.
(para maintindihan ng maayos ang issue, Kapag pansin nyo na nahihirapan umintindi ng technical adjustments, ILISTA SA PAPEL AT IBIGAY SA CUSTOMER.)
3. Kunan ng picture lahat ng ginawa at damage ng pyesa.
(pwede kasi kayo gawan ng kwento na hindi nyo ginawa ng maayos trabaho nyo.)
4. WAG magbigay ng guarantee sa mga FAKE, INFRINGED, 2ND HAND PARTS.
(hindi tayo diyos na kaya gumawa ng milagro at Lalo na hindi tayo dapat magtiwala sa pinanggalingan ng pyesa Kapag ito ay hindi galing sa manufacturer or sa kilalang high quality parts supplier, Kapag may material issues and after market parts satin ang sisi.)
5. WAG magpa-asa sa customer sa oras ng pagbuo ng kargado.
(ang kargado bukod sa mataas ang wear and tear madalas hindi dumaan sa Japanese or German standard test ang mga parts maliban kung ito ay ang mga pyesa kagaya ng TAKEGAWA, KITACO, BEET, MOTEC, etc....walang karga ang hindi nagrerequire ng 7DA (7 Days After) precautionary check up. Sa Japan at Germany 6 months ang tuning at test sa pilipinas gusto 1 day makabigay agad ang mekaniko ng data. Aba matindi dba)
6. KUNAN NG PICTURE ang before and after ng paglinis.
(pwede tayo akusahan na hindi ginawang pulido ang gawa, ipagpaalam sa customer ang pagkuha ng panlinis sa tangke nila at Kapag kulang dahil sobrang hindi maalaga ang customer magpabili ng pang linis, wag ilibre mahal ang gasolina.)
7. IKAHON lahat ang tinanggal na pyesa.
(wag hayaan na iwanan ang pyesa sa shop nyo dahil pwede kayo pagbintangan na nangangahoy ng pyesa.)
8. WAG PUMAYAG SA RUSH.
(tayo ang may Ari ng shop, tayo ang gumagawa at sumasalo ng hirap, Kapag nagmamadali pahanapin ng ibang gagawa, hindi kawalan ang customer na pasakit sa ulo, Hindi din nila alam ang hirap sa troubleshooting wag lang sila mapagastos sa pyesa.)
9. WAG mahiya sa customer, SABIHIN SAKANILA ANG PAGKUKULANG NILA SA MOTOR NA IPAPAGAWA.
(madalas tayo sinisisi na Nag mi-maintain kahit hindi tayo ang naglalaspag ng motor nila.
10. IPAINTINDI na ang pyesa ng motor nauupod, bumibigay, nasisira.
(Hindi Nag rere-generate ang pyesa gaya ng katawan ng tao. Kaya kung nagagasgas ang pyesa NORMAL YUN DAHIL GUMAGALAW, para hindi magkasira or magasgas ang motor at pyesa wag na lang bumili ng motor, o kaya kung mahilig sa motor magpakabit na lang cable at manood MOTO-GP).
Feel free to SHARE...ok lang mabiktima ang mga gago na mekaniko pero yung mga matitino pakatandaan nyo ito dahil malamang ang mambibiktima nasa paligid nyo lang naghihintay ng abusuhin kabaitan nyo. WAG NA KAYO MAGHINTAY NA MABIKTIMA KAYO mas mainam na ang nag-iingat.
Gandang gabi sainyong lahat.