18/09/2023
Mga dapat tandaan sa pagkuha ng STUDENT PERMIT at DRIVERβS LICENSE.
πMag-enroll sa LTO Accredited Driving School at umattend ng 15 hours mandatory seminar patungkol sa THEORETICAL DRIVING COURSE upang makakuha ng TDC Certificate.
πDalhin ang mga dokumentong kailangan;
PSA BIRTH Certificate(Original at xerox copy, Valid ID, LTO Accredited Medical Certificate at TDC Certificate.
Magregister at gumawa ng account sa LTO/LTMS ONLINE PORTAL upang makakuha ng LTO CLIENT ID NUMBER.
(isearch sa iyong mobile browser)
πKapag nakakuha na ng student permit, ay bibilang ng 32 araw upang makapag apply ng Non-pro Driver's License.
Ang Student Permit ay Valid ng 1 taon.
πHabang wala pang 32 araw ang student permit ay maaari ng magenroll sa LTO Accredited Driving School para sa Practical Driving Course (PDC) na may 8 oras na minimum requirement upang makakuha ng PDC Certificate.
πMakalipas ang 32 ay maaari nang pumunta sa pinakamalapit na LTO sa inyong lugar upang makapag apply ng Non-pro Driver's License at dalhin ang mga sumusunod na dokumentong kailangan;
STUDENT PERMIT, PDC Certificate, Medical Certificate (LTO Accredited)
πPara naman sa Application ng Professional Driver's License, kailangan na may sapat na 6 buwan na ang Non-pro Driver's License na may Code A(Motorcycle) at 1 taon naman para sa Code B(4wheeled Vehicle) at TIN ID xerox copy.
ISANG PAALALA MULA SA JPMS DRIVING SCHOOL!! π¦βοΈ