VENDO ECO WASH

VENDO ECO WASH 5 PESOS VENDO ECO WASH

WALA PO KAMING IBINEBENTANG UNITS 🤦‍♀️Gusto po naming linawin: KAMI PO AY ISANG SMALL BUSINESS LAMANG. Gaya ninyo, kami ...
23/04/2026

WALA PO KAMING IBINEBENTANG UNITS 🤦‍♀️
Gusto po naming linawin: KAMI PO AY ISANG SMALL BUSINESS LAMANG. Gaya ninyo, kami ay nagsisikap lang nang marangal
Kami ay isang service-based business (vendo carwash) at hindi kami supplier ng mga vendo machines.

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT: KAMI PO AY BIKTIMA RIN. 📢

Muli na naman kaming pinuntahan ng mga pulis sa aming tahanan. Sa pangalawang pagkakataon. Nakakadurog ng puso na makita ang mga kababayan nating nawalan ng pera dahil sa mga scammers na ginagamit ang aming pangalan at address.

SA MGA NAGBABALAK MAG-INVEST O BUMILI:

🤦‍♀️Huwag po kayong magpapaloko sa mga pekeng "Waybill" o kahit ipakita pa ang aming address.

🤦‍♀️ Ang paggamit nila ng aming Facebook link ay paraan lang para makuha ang inyong tiwala.

🤦‍♀️ Bago maglabas ng pinaghirapang pera, mag-double check o mag-video call sa kausap. COD nalang para safe kung may balak mag invest online.

Parang awa niyo na po, HUWAG MAGTIWALA AGAD. Tulungan niyo po kaming protektahan ang ating komunidad sa pamamagitan ng pag-share ng post na ito. Ayaw na po naming may makitang umiiyak at naghahanap ng hustisya sa aming pintuan dahil sa panloloko ng iba.

Mag-ingat po tayong lahat. 🛡️

⚠️BABALA: MODUS NG PANG-I-SCAM, PATULOY NA LUMALAGANAP! ⚠️Hindi pa rin po tumitigil ang mga mapagsamantala. Nais po nami...
01/02/2026

⚠️BABALA: MODUS NG PANG-I-SCAM, PATULOY NA LUMALAGANAP! ⚠️

Hindi pa rin po tumitigil ang mga mapagsamantala. Nais po naming muling magbigay ng MATINDING PAALALA sa publiko dahil dumarami na po ang nabibiktima ng mga pekeng sellers na ginagamit ang pangalan at link ng VENDO ECO WASH.

🚨 MGA BAGONG ULAT NG PANG-BUDOL:

Isang taga Pangasinan po ulit sa Rosales ang nakuhanan nila ng 15k gamit ang Facebook link natin.

May nag-message rin po na ginagamit na pati ang aming eksaktong address sa kanilang mga huwad na waybill upang magmukhang lehitimo ang kanilang panloloko.

🛑 MAHALAGANG PAALALA:
HINDI PO KAMI NAGBEBENTA NG UNITS: Ang Vendo Eco Wash ay HINDI nagbebenta ng vendo carwash units sa anumang platform.

FB LINK AS PROOF: Ginagamit ng mga scammer ang link ng aming page upang makuha ang tiwala ninyo. Huwag po kayong maniniwala.

PEKENG WAYBILL/ADDRESS: Kahit ipakita pa ang aming address, hindi po iyon patunay na kami ang kausap ninyo.

Nananawagan po kami na maging mapanuri. Kung may mag-alok sa inyo ng unit gamit ang aming pangalan, mangyaring I-REPORT AGAD ang account at mag-message muna sa aming official page para sa kumpirmasyon.

Huwag hayaang ang inyong pinaghirapang pera ay mapunta sa mga taong hindi marunong lumaban nang patas.

PAKI-SHARE PO UPANG WALA NANG MABIKTIMANG IBA.

🚫 MAGING WAIS: BABALA LABAN SA MGA SCAMMER 🚫Mag-ingat po sa mga kumakausap sa inyo sa Messenger, TikTok, o iba pang soci...
30/01/2026

🚫 MAGING WAIS: BABALA LABAN SA MGA SCAMMER 🚫

Mag-ingat po sa mga kumakausap sa inyo sa Messenger, TikTok, o iba pang social media na nag-aalok ng Vendo Carwash Units at ginagamit ang aming page Link bilang "proof" ng kanilang negosyo.

Isang interested buyer sa Villasis, Pangasinan ang kamakailan lang ay nabiktima at nawalan ng mahigit ₱31,350. Ginamit ng scammer ang aming kredibilidad para makapang-budol.

Tandaan:

Wala po kaming binebentang physical units.

Hindi kami humihingi ng downpayment para sa kahit anong delivery ng vendo machine.

Ang mga kumakalat na TikTok videos https://www.tiktok.com/?_r=1&_t=ZS-93VPL35S6bf
(tulad ng nasa pictures) na may pangalang "V Corporation" ay GINAGAMIT LAMANG PARA MANLOKO.

Katuwang po namin ang mga alagad ng batas (Philippine National Police) upang matugunan ang ganitong uri ng panlilinlang. Huwag hayaang ang iyong pinaghirapan ay mapunta lamang sa bulsa ng mga mapagsamantala.

Maging mapagmatyag. Sa mundong puno ng mapagkunwari, ang tamang impormasyon ang ating magiging tanglaw.

Address

142, Brgy Sinipit, Nueva Ecija
Bongabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VENDO ECO WASH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category