19/09/2026
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘗𝘜𝘑 𝘢𝘵 𝘜𝘝𝘌 𝘰𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘰𝘳𝘴 𝘢𝘵 𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴
Nais ipabatid ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drayber at operator ng Public Utility Jeepney (PUJ) at UV Express na kabilang sa 𝗣𝟭𝟮/𝗟 𝗙𝘂𝗲𝗹 𝗗𝗶𝘀𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 na pansamantalang ipagpapaliban ang programa simula ngayong araw, 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲, kaugnay ng umiiral na election ban at nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang pansamantalang pagpapaliban ay isinasagawa habang hinihintay ang kaukulang aksyon at pag-apruba ng Commission on Elections (COMELEC) para sa pagpapatuloy ng disbursement.
Makakaasa ang ating mga drayber at operator na patuloy na tinututukan ng ahensya ang prosesong ito upang maihatid ang fuel discount sa mga benepisyaryo sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.